^

Bansa

Japan magtatapon ng 'nuclear waste' malapit sa 'Pinas; mangingisda pumalag

James Relativo - Philstar.com
Japan magtatapon ng 'nuclear waste' malapit sa 'Pinas; mangingisda pumalag
Protesters hold signs reading "Don't repeat Fukushima" (top R), "Don't expose people to radiation anymore" (centre R) and "Radioactive, don't throw polluted water into the sea" (bottom R) as they take part in a rally against the Japanese government's plan to release treated wastewater from the crippled Fukushima Daiichi power plant into the ocean, outside the prime minister's office in Tokyo on August 22, 2023. The release of wastewater from Japan's stricken Fukushima nuclear plant into the Pacific will begin on August 24, Prime Minister Fumio Kishida announced on August 22, despite opposition from fishermen and protests by China.
AFP/Kazuhiro Nogi

MANILA, Philippines — Kinastigo ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) ang planong pagsaboy ng Japan ng sandamakmak na treated radioactive material sa Karagatang Pasipiko — bagay na maaari raw makaapekto sa mahuhuling isda.

Martes nang kumpirmahin ni Japanese Prime Minister Kishida Fumio na magtatapon sila ng 1.3 milyong metrong tonelada ng "treated waste water" mula Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant ngayong ika-24 ng Agosto (Huwebes) patungong Pacific Ocean.

"Particularly in the Philippines where the Pacific Ocean covers our eastern part, our fishing resources will undoubtedly be affected, especially that the Northeast Monsoon (Amihan) is already approaching in the last quarter," ani PAMALAKAYA Vice Chairperson Ronnel Arambulo.

"One of the most exposed and vulnerable parts of our sea is the resource-rich Philippine Rise (formerly Benham Rise). Located east of Luzon, the Philippine Rise is rich in various marine resources, as well as mineral and gas deposits," dagdag niya.

Pangamba pa ng PAMALAKAYA na hindi malayong makaabot ng Bicol region at iba pang bahagi ng bansa ang toxic treated wastewater.

Aniya, nakakatakot ang nagbabadyang environmental catastrophe na maaaring magmula sa naturang "toxic radioactive wastes."

Nakikipag-ugnayan na rin ang PAMALAKAYA sa iba't ibang environmental groups sa Japan at taiwan para sa pagkakasa ng kaliwa't kanang protesta kaugnay nito sa pagtatapos ng Agosto.

"We likewise urge the concerned government agencies such as the DENR and BFAR to back the opposition of Filipino fisherfolk, environmentalists, and other experts, against this move," ani Arambulo.

Ligtas o delikado?

Iginigiit ng Japan na ang pagpapalalabas ng wastewater mula sa Fukushima nuclear plant — na siyang dini-decomission sa ngayon — ay "ligtas," bagay na sinasang-ayunan ng United Nations atomic agency.

Matatandaang tinamaan ng matinding lindol at tsunami ang Fukushima nuclear plant noong Marso 2011, dahilan para mamatay ang nasa 18,000 katao sa isa sa pinakamatinding atomic disaster sa kasaysayan.

Nakapagkolekta naman na ang TEPCO — ang nagmamay-ari ng planta — ng 1.34 milyong metrikong tonelada ng tubig na ginamit para palamigin ang natitirang radioactive reactors nito. Sinasabing kasindami ng 500 Olympic swimming pools ang tubig. 

"We will request TEPCO to promptly prepare for the start of oceanic discharge based on the plan approved by the Nuclear Regulation Authority, with discharge expected to be August 24 if weather and sea conditions do not hinder it," ani Kishida kanina.

Naninindigan ang TEPCO na "pinalabnaw" na ang tubig at sinala para matanggal ang lahat ng radioactive substances maliban sa tritium. Sinasabing mas mababa sa peligrosong antas ang nalalabi rito.

Ipinagkibit-balikat din ni Tony Hooker, isang nuclear expert mula sa University of Adelaide, at tinawag na "fear mongering" ang pagpapakawala ng radioactive material sa dagat sa mga darating na dekada.

"Tritium has been released (by nuclear power plants) for decades with no evidential detrimental environmental or health effects," ani Hooker sa AFP.

Pangamba ng mga Hapon, Tsino at Koreano

Una nang iprinotesta ng mga taga-South Korea ang naturang hakbang, dahilan para mag-imbak na ang marami sa kanila ng asin dahil sa pangamba ng kontaminasyon.

Inakusahan naman ng gobyerno ng Tsina ang Japan ng pagtrato sa karagatan bilang "imburnal," dahilan para i-ban ng Beijing ang importasyon ng pagkain mula sa sampung Japanese prefectures. Nagpapatupad na rin sila nang mas mahigpit na radiation checks.

Nagbabanta na rin ng mga restriksyon sa ngayon ang Hong Kong. Tinawag namang problematiko ng Greenpeace ang filtration process na ginawa.

"Nothing about the water release is beneficial to us," ani Haruo Ono, isang 71-anyos na mangingisda, sa panayam ng AFP. — may mga ulat mula sa Agence France-Presse

FISHERFOLK

FUKUSHIMA NUCLEAR POWER PLANT

JAPAN

PAMALAKAYA

RADIOACTIVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with