^

Bansa

Gold necklace, luxury watch pa-'souvenir' ng bride at groom sa kasal

Philstar.com
Gold necklace, luxury watch pa-'souvenir' ng bride at groom sa kasal
Litrato ng mag-asawa kasama ang mga pa-souvenir nila sa mga bisita
Courtesy of ChuckShots

MANILA, Philippines — Kung dumidiskarte ang karamihan kung paano makakatipid sa kasal at reception, iba naman ang trip ng mag-asawang sina Jermine Jacob at Luvert Edison Dones Bondol.

Namudmod lang naman kasi sila ng 18-karat gold necklace at designer watches ang dalawa sa mahigit 100 bisita noong Martes sa Tagaytay para "ibahagi ang natatanggap na mga biyaya" sa buhay.

"'Di ko po inaasahan na magviviral tong kasal namin dahil sa giveaways namin, sa totoo po talagang grateful lang kami sa mga bisita namin dahil binigyan nila kami ng panahon na masamahan kami sa espesyal na araw sa buhay namin," ani Mine sa kanyang FB post, Huwebes.

"Ang goal po namin is to share lang talaga yung Blessings na natatanggap namin sa Buhay and to give gifts to show appreciation lalo na sa mga nag leave pa sa trabaho para lang makasama kami."

 

 

Sa ulat ng CNN Philippines ngayong araw, sinabing sinadya nilang hindi humingi ng mga regalo dahil sa gusto nilang sila ang magpapaulan ng biyaya.

Taong 2020 pa lang ay mag-asawa na ang dalawa sa pamamagitan ng civil wedding, ngunit ngayong 2023 lang tuluyang naikasal sa harap ng Simbahan.

 

 

Una nang naibalita na nagnegosyo ang dalawa ng pagbebenta ng branded watches. Hindi tuloy nakapagtatakang Michael Kors ang tatak ng mga relong kanilang ipinamigay.

"Maraming Maraming Salamat po," banggit pa ng bride sa kanyang paskil. — James Relativo

vuukle comment

GOLD

NECKLACE

WATCH

WEDDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with