‘Egay’ victims sa Cagayan, inayudahan ni Bong Go
MANILA, Philippines — Kasunod ng mapangwasak na epekto ng Bagyong Egay sa Cagayan, ipinadala ni Senador Christopher “Bong” Go ang kanyang grupo mula Agosto 8 hanggang 9 upang magbigay ng karagdagang tulong sa mga bayan ng Abulog, Allapacan, Aparri, Ballesteros, Claveria, Gonzaga, Pamplona, ??Sanchez Mira, Santa Praxedes, at Santa Teresita.
“Mga kababayan ko nandito po ako para magbigay ng tulong sa mga apektado ng bagyo,” sabi ni Senator Go sa kanyang pagbisita sa Sanchez Mira at Santa Ana towns para personal na pangunahan ang pamamahagi ng ayuda.
“Salamat po sa binigay ninyong tulong sa amin,” ang pasasalamat ni Soledad Guillermo, isa sa mga residenteng biktima ng bagyo.
Ganito rin ang sinabi ng mga residente na sina Alona Javier at Virgilio Francisco.
Binigyang-diin ni Go ang kanyang pangako na magbibigay ng tulong sa mga apektado ng kalamidad sa abot ng kanyang kakayahan.
Namahagi ang grupo ni Go ng food packs sa kabuuang 5,000 biktima ng bagyo sa buong Cagayan.
Kaugnay nito, muling iginiit ni Go ang pangangailangang magtatag ng Department of Disaster Resilience (DDR) upang mapabuti ang kahandaan at kakayahan ng bansa sa pagtugon sa mga darating na kalamidad.
Ang Senate Bill No. 188 na panukala ng senador ay naglalayong lumikha ng isang departamento na magbubuklod sa lahat ng tungkulin at responsibilidad na kasalukuyang nakakalat sa iba’t ibang ahensya na ang tanging pokus ay may kinalaman sa kalamidad.
Isinusulong din niya ang pagpasa ng SBN 193 para magkaroon ng permanente, ligtas at maayos na evacuation center sa bawat munisipalidad, lungsod at lalawigan sa buong Pilipinas.
- Latest