^

Bansa

2 PMA cadet, guilty sa Dormitorio hazing - korte

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang kadete ng Philippine Military Aca­demy (PMA) ang naha­tulang guilty ng Baguio Municipal Trial Court sa kasong physical injuries na ikinamatay ni Darwin Dormitorio noong ­Setyembre 2019.

Sa inilabas na ­desisyon ng korte, kulong lamang ng 30 araw ang mga kadeteng sina Julius Carlo Tadena at Christian Zacarias na napatunayang guilty sa kasong “slight physical injuries”.

Gayunman, sinabi ng legal counsel ng pamilya Dormitorio na si Atty. Jose Adrian Bonifacio, na agad din na makakalabas sina Zacarias at Tadena.

Si Tadena ay nahaharap pa rin sa kasong hazing sa  Baguio RTC branch 5.

Pinagbabayad naman ng korte sina Zacarias at Tadena ng tig-P100,000 moral damages at attorneys fees na P50,000.

Samantala, absuwelto naman ang dating PMA Station Hospital chief Lt. Col. Ceasar Candelaria at medical officers na sina Capt. Flor Apple Apostol at Maj. Maria Ofelia Beloy sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Walang malay si Dormitorio at nangingitim na ang mga labi at kuko nang dalhin sa ospital. Nagtamo rin ito ng bugbog sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Pinilit pa ng mga doktor na maisalba si Dormitorio subalit namatay din.

Graduate na sana sa top military school ng Pilipinas si Dormitorio noong Mayo 2023.— Artemio Dumlao

vuukle comment

PMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with