^

Bansa

Panukalang ‘rush hour rate’ sa PUVs binira

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binatikos ni Assistant Minority Leader at Gabriela ­Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang panukala ng Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) na magpatupad ng ‘rush hour rate’ para sa mga Public Utility Vehicles (PUVs).

Ayon kay Brosas, ito’y isang palpak na solusyon sa gitna na rin ng paghihirap ng mamamayan sa araw-araw na karanasan sa pagko-commute.

“Why would commuters pay more for hours of inconvenience even as transport officials and the Marcos Jr. administration continue to sit idly over the worsening public transport mess? Surge pricing in PUVs will further reduce the already low take-home pay of workers, especially amid higher LRT fares,” anang lady solon.

Inihayag ni Brosas na hindi na dapat pagtuunan ng pansin ang katawa-tawang panukala ng LTFRB na hinikayat ang mga transport officials na ibasura na ang bogus na PUV modernization program.

Sa halip ay dapat umanong tanggalin na ng gob­yerno ang oil excise tax para mapababa ang presyo ng petroleum products at iprayoridad ang pambansang transport program na pagtutuunan ng pansin ang lokal na produksiyon ng mass transportation.

vuukle comment

ARLENE BROSAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with