^

Bansa

Pinas nahaharap sa maraming banta – Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pinas nahaharap sa maraming banta – Pangulong Marcos
President Marcos attends the briefing and site inspection of the Clark Multi-Specialty Medical Center in Pampanga on July 17, 2023. | via via Helen Flores
Screenshots/RTVM

MANILA, Philippines — Nahaharap pa rin ang Pilipinas sa mga banta nang territorial integrity, sovereignty, terorismo, local communist insurgency, cybersecurity at climate change.

Ito ang sinabi ni ­Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang talumpati sa joint anniversary celebration ng National Security Council (NSC) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa PICC, Pasay City, kung saan hinikayat niya ang dalawang ahensya na ipagpatuloy na itaguyod ang interes at seguridad ng bawat Filipino.

Iginiit din ni Marcos ang global development at paglilipat kung saan ang tulong at efforts ng NICA at NSC ay kritikal para masiguro na ang bansa ay nanatili ang national security concerns nito.

“With this, let us continue to prepare for the tasks that lie ahead and continue to uphold our national interest and ensuring the security of the Filipino public and that should remain at the top of all of our priorities,” sinabi pa ni Marcos.

Iginiit pa ng Pangulo, na mahalaga ang papel na ginagampanan ng NICA at NSC para sa pagpa­panatili sa national security concerns.

“We know that you are the silent guardians who protect us against all manner of national threats, the steadfast vanguards who keep our enemies at bay, and the faithful ­watchers ensuring that we do not veer to disorder and to chaos,”  dagdag ng Pangulo.

Patuloy rin umanong umaaasa ang samba­yanang Filipino sa nasabing mga ahensiya para sa pagtataguyod ng isang bansa kung saan ang lahat ay nagkakaisa, nagtutulungan at nagkakapit-bisig para sa pagpapabuti ng kalagayan ng bawat buhay ng mga Pinoy.

NICA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with