Revamp sa NBI, giit sa ‘sexy dance’ scandal
Iimbestigahan ng Kamara
MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan ni Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang umano’y “live show” na naganap matapos ang command conference ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Hunyo 30.
“Hindi sapat na mag-sorry lang si NBI chief Medardo De Lemos sa nangyaring sexy dance number matapos ang NBI command conference. Dapat may managot. We need an independent and thorough investigation on the matter,” ayon kay Brosas na iginiit ang pagsibak at balasahan sa mga opisyal ng NBI na nasa likod ng nasabing sexy dance show.
“What’s further infuriating about the NBI scandal is that the bureau is the one legally mandated to handle sex scandal cases victimizing women, as well as cases of online sexual exploitation of children,” ayon kay Brosas.
Sinabi ni Brosas na maghahain siya ng resolusyon sa Kamara para imbestigahan ang insidente at hikayatin ang House Committee on Women and Gender Equality upang itakda agad ang pagdinig.
“Hindi dapat palampasin ang pangyayaring ito. Baka pondo pa nga ng bayan ang ginastos sa palabas na iyon na itinuturing na pang-aliwan ang katawan ng kababaihan. Sa isang five-star hotel pa ginanap,”giit pa ni Brosas.
“All government agencies and officials must strictly adhere to the code of conduct and ethical standards, and should not in any way condone the explicit objectification of women, most especially during an official function. It is a shame if the NBI would find a way out of the mess by mere apology,” ang sabi pa ng mambabatas.
- Latest