Magnitude 4.7 na lindol niyanig ang Zambales, dama hanggang Metro Manila
MANILA, Philippines (Updated 6:21 p.m.) — Nakaramdam ng ilang pagyugyog ang ilang bahagi ng Luzon matapos tumama ang isang magnitude 4.7 na lindol malapit sa probinsya ng Zambales, ayon sa pinakahuling taya ng Phivolcs.
Bandang 3:16 p.m., Huwebes, nang maitala ng state seismologists ang epicenter ng earthquake 26 kilometro timogkankanluran ng munisipalidad ng Palauig.
#EarthquakePH #EarthquakeZambales#iFelt_ZambalesEarthquake
— PHIVOLCS-DOST (@phivolcs_dost) July 6, 2023
Earthquake Information No.1
Date and Time: 06 July 2023 - 03:16 PM
Magnitude = 4.8
Depth = 046 km
Location = 15.42°N, 119.67°E - 026 km S 87° W of Palauig (Zambales)https://t.co/RddR3YQvqB pic.twitter.com/yvXZGvvuF3
Una nang ibinalitang umabot ng magnitude 4.8 ang lindol ngunit agad ding binago ng gobyerno.
Naramdaman naman ang sumusunod na intensity sa iba't ibang bahagi ng Luzon:
Intensity IV (moderately strong)
- Palauig, Zambales
Intensity III (weak)
- Mandaluyong
- Manila
- Marikina
- Pasay City
- Pasig City
- Quezon City
- Bulacan: Obando
- Pangasinan: Agno, City of Alaminos, Dasol, Infanta, Labrador
- Zambales: Botolan, Cabangan, Iba, Masinloc, San Marcelino, Santa Cruz
Intensity II (slightly felt)
- Makati
- Taguig
- Dagupan
- Olongapo
- Pampanga: Floridablanca
- Pangasinan: Bautista, Bolinao, Dagupan
- Zambales: Castillejos, Olongapo, San Antonio, San Felipe, at Subic
Wala pa namang inaasahang pinsala at aftershocks o serye ng mas maliliit na mga lindol kaugnay ng pagyanig sa ngayon.
Hindi pa rin naglalabas ang Phivolcs ng anumang tsunami warning kaugnay ng naturang insidente, ito'y kahit na nangyari ito sa kalugaran ng katubigan.
- Latest