^

Bansa

67.5% ng preso sa Pilipinas siksikan; COA naghain ng rekomendasyon

Philstar.com
67.5% ng preso sa Pilipinas siksikan; COA naghain ng rekomendasyon
In this file photo taken on March 27, 2020 shows prison inmates sleeping and gesturing in cramped conditions in the crowded courtyard of the Quezon City jail in Manila. Nearly 10,000 prison inmates have been released in the Philippines as the country races to halt coronavirus infections in its overcrowded jails, a Supreme Court official said on May 2, 2020.
AFP/Maria Tan

MANILA, Philippines — Lumalabas na lagpas sa kalahati ng 478 na kulungan sa buong Pilipinas ang siksikan na sa dami ng inmates — dahilan para lumikha na ito ng "unhealthy living conditions" para sa mga persons deprived of liberty.

Ito ang iniulat ng Commission on Audit (COA) sa kanilang Bureau of Jail Management and Penology Consolidated Annual Audit Report 2022 na siyang kalalabas lang kamakailan.

"Of the 478 jail facilities nationwide, there are 323 or 67.57% which are congested with occupancy rates ranging from 101 to 2,739%," wika ng COA sa kanilang obserbasyon sa mga piitan.

"Moreover, the total jail population of 127,031 as of December 31, 2022 exceeded the total ideal capacity of 46,702 resulting in unhealthy living conditions for the Persons Deprived of Liberty."

Ang Metro Manila ang may pinakamalaking jail population sa lahat ng rehiyon sa Pilipinas sa (29,518) kahit na nasa 5,190 lang dapat ang "total ideal capacity" nito.

Samantala, MIMAROPA naman ang may pinakamaraming bilang ng congested jails sa lahat (60) habang ito rin ang may pinakamataas na maximum congestion rate sa lahat (2,639%).

Binubuo ang BJMP jails ng district jails, city jails, municipal jails, extension jails at female dormiitories. Lahat ng ito ay magkakaiba ng lot area, floor area at cell area.

Batay sa 2022 NJMP Annual Accomplishment Report, ang average comngestion rate ay 367% o nasa 467% na occupancy rate.

"From the 323 jails that are congested, Dasmarinas City Jail - Female Dormitory in RO IVA topped the most overcrowded jails; followed by San Mateo Municipal Jail 0 Male Dormitory, also in RO IV A; and the Muntinlupa City Jail - Male Dormitory in NCR ranked third, with maximum congestion rates of 2,639 percent, 2,523, and 2,266 percent, respectively," dagdag pa ng COA.

Ganito ang istura sa ngayon ng nasa 127,031 na kabuuang bilang ng PDLs:

  • awaiting o undergoing trial at/o final judgement: 113,686 (86%)
  • nasintensyahan nang mas mababa sa tatlong taon: 9,854 (8%)
  • insular PDLs na may sintensyang lagpas tatlong taon hanggang kamatayan: 3,491

Sinasabing tumaas ang bilang ng mga bagong PDL dahil sa kampanya ng gobyerno kontra-droga, "mabagal na aksyon ng korte," atbp.

Karapatan ng bilanggo

Alinsunod sa Rule 10 ng United Nations Standard Minimum Rules for the Treatment of Prisoners:

All accomodation provided for the use of prisoners and in particular sleeping accomodation shall meet all requirements of health, due regard being paid to climatic conditions and particularly to cubic content of air, minimum floor space, lighting, hearing, and ventilation.

Ilan sa mga rekomendasyon ng ngayon ng COA ang:

  • paglikha ng "representations" sa mga local government units para sa posibleng lot donations para makapagpatayo ng dagdag na pasilidad
  • paggugol ng pondo para capital outlay na gagamitin sa pampatayo, pagsasaayos at pagpapalaki ng kulungan
  • maagang pagpapalaya ng mga "qualified detainees" sa ilalim ng GCTA Law, Recognizance Act at OCA Circular no. 201-2022

Una nang nagpatupad ang Department of Justice ng sari-saring paraan upang mapaluwag ang mga karsel sa Pilipinas ngayong 2023, gaya na lang ng sabay-sabay na pagpapalaya ng mga nakakulong lalo na dahil sa good conduct time allowance.

Pebrero lang din nang ibaba ng DOJ ang piyansa ng mahihirap na preso para maging "patas" at "batay sa kakayahan" ang pagkakagawad ng pansamantalang kalayaan. — James Relativo

vuukle comment

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

COMMISSION ON AUDIT

CONGESTION

JAILS

PERSONS DEPRIVED OF LIBERTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with