Bagyong Chedeng napanatili ang lakas
MANILA, Philippines — Napanatili ng bagyong Chedeng ang kanyang lakas habang mabagal na kumikilos pahilaga sa may Philippine sea.
Alas-11 ng umaga kahapon, ang sentro ng mata ng bagyong Chedeng ay namataan ng Pagasa sa layong 880 kilometro silangan ng Northern Luzon o nasa layong 840 kilometro ng silangan ng Extreme Northern Luzon.
Taglay ni Chedeng ang lakas ng hangin na umaabot sa 150 kph at pagbugso na umaabot sa 185 kph.
Sa susunod na tatlong araw, walang direktahang ulan na dadalhin si Chedeng sa alinmang bahagi ng bansa pero ang habagat ay magpapalakas kay Chedeng dahilan para magkaroon ng pag-ulan sa buong western portions ng Luzon at Visayas.
Nananatili namang malayo si Chedeng sa Philippine landmass.
Inaasahan na lalabas ng bansa si Chedeng ngayong gabi ng Linggo o umaga ng Lunes.
- Latest