Typhoon Chedeng posible palakasin habagat na magpapaulan sa southwestern Luzon
MANILA, Philippines — Napanatili ng bagyong "Chedeng" ang lakas nito habang pumipihit pahilagangkanluran sa ibabaw ng Philippine Sea, ayon sa pinakahuling tala ng PAGASA.
Bandang 4 a.m. ngayong Miyerkules nang mamataan ang mata ng typhoon 875 kilometro silangan ng Central Luzon o 910 kilometro silangan ng Northern Luzon.
- Lakas ng hangin: 130 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: hanggang 160 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Direksyon: pahilagangkanluran
- Pagkilos: 10 kilometro kada oras
"CHEDENG is unlikely to directly bring heavy rainfall over the country in the next 3 to 5 days," dagdag pa ng state weather bureau kanina.
"The southwest monsoon (habagat) may be enhanced by CHEDENG and bring occasional rains over some portions of southwestern Luzon in the next 3 days."
Mababa pa naman ang tiyansang magtaas ng Tropical Cyclone Wind Signals bilang paghahanda sa malalakas na hangin ng bagyo.
Gayunpaman, posibleng magdala ng malalakas na hangin ang pagpapatindi ng bagyo sa habagat sa mga sumusunod na lugar:
- Visayas
- Romblon
- Occidental Mindoro
- hilagang bahagi ng Palawan kasama ang Kalayaan, Calamian, at Cuyo Islands
- Surigao del Norte
- Dinagat Islands
- Camiguin
"CHEDENG will remain far from the Philippine landmass and likely approaching the period that it is closest to the country," wika pa ng PAGASA.
"It is forecast to begin its recurve by slowing down and turning towards the north today, then gradually accelerate north northeastward tomorrow."
Malaki ang tiyansang maabot nito ang "peak intensity" nito sa loob ng susunod na 24 hanggang 36 na oras dahil sa "marginally favorable conditions." Nakikitang magsimula ang paghina nito sa weekend at maaaring makalabas ng Philippine area of responsibility sa Lunes ng umaga.
- Latest