^

Bansa

Tig-P8 milyong alok sa Degamo slay suspects - DOJ

Mer Layson, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Tig-P8 milyong alok sa Degamo slay suspects - DOJ
Photo shows the firearm of an officer guarding the wake of Degamo in Dumaguete City.
PTV4

MANILA, Philippines — Inakusahan ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na inalok umano ng tig-P8 milyon ang mga nahuling suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

“Yun ang intelligence sa loob ng NBI (National Bureau of Investigation) na ganoon ‘yung alukan ng pera para itong mga taong ito ay bumaliktad,” saad ni Remulla sa panayam sa telebisyon.

Ang naturang halaga ay upang bawiin ng mga suspek ang nauna nilang affidavit na umaamin sa partisipasyon nila sa pagpaslang kay Degamo at pagturo kay Rep. Arnolfo Teves Jr., bilang mastermind sa asasinasyon.

Isang abogado ng isa sa mga suspek ang nag-alok umano ng naturang halaga sa mga nadakip na suspek, giit ni Remulla.

Nasa pangangalaga ngayon ng NBI sina Marvin Miranda, itinuturo rin na utak sa krimen; Rogelio  Antipolo Jr., Winrich  Isturis, Joven Javier, Romel  Pattaguan, Eulogio  Gonyon Jr., John Louie  Gonyon, Jhudiel  Rivero, Joric Labrador, Benjie Rodriguez, at Dahniel  Lora.

Kumpiyansa ang kalihim na hindi nagustuhan ng korte ang pagbawi ng mga suspek sa nauna nilang pag-amin sa krimen makaraang ipagpaliban ang pagbasa ng sakdal sa kanila.

Samantala, kumpiyansa naman si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. na malakas pa rin ang kaso ng pamahalaan laban sa mga suspek sa pagpatay kay Degamo sa kabila ng pagbawi ng ilang testigo sa kanilang mga salaysay.

Pinanigan din ni Abalos ang mga pulis at nanindigang isinagawa ng mga ito ang kanilang imbes­tigasyon sa kaso ng alinsunod sa itinatakda ng batas.

Inimpormahan din umano siya na may iba pang mga kasong kakaharapin si Teves. “I think this is in relation to the previous killings wherein he (Teves) was implicated.”

Una nang sinabi ni Senior Deputy State Pro­secutor Richard Anthony Fadullon na ang pagbawi ng testimonya ng mga akusado sa kaso ng pagpatay kay Degamo at siyam na iba pang indibidwal, ay inaasahan na nila.

Nilinaw naman ni Fadullon na hindi ito nangangahulugan na ang mga nauna nilang pahayag ay hindi totoo.

JESUS CRISPIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with