‘Betty’ humina, Signal No. 1 nakataas sa 12 lugar
MANILA, Philippines — Hindi na ‘super typhoon’ ang category ng bagyong Betty matapos itong humina habang nasa Philippine Sea.
Ayon sa PAGASA, dala ng bagyong Betty ang lakas ng hangin na 175 km per hour at pagbugso na hanggang 215 kph.
Sa kabila ng paghina nito, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa 12 lugar kabilang ang Batanes; Cagayan kasama ang Babuyan Islands; Isabel-; Apayao; Ilocos Norte; northern at central portions ng Abra; Kalinga; eastern at central portions ng Mountain Province; eastern at central portions ng Ifugao; Quirino; at northeastern portion ng Nueva Vizcaya.
Huling namataan ang sentro ng bagyo may 715 km silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Anang PAGASA, makakaranas ng 100-200 mm ng ulan mula Lunes hanggang Martes ng umaga ang eastern portion ng Babuyan Islands at northeastern portion ng mainland Cagayan.
Ang Batanes, ang northwestern portion ng mainland Cagayan, at ang northern portions ng Ilocos Norte at Apayao, naman ay maaaring makaranas ng 50-100mm ng ulan sa nasabi ring panahon.
Inaasahan ding palalakasin ni Betty ang Southwest Monsoon ngayong linggong ito, na may monsoon rains na inaasahan sa western portions ng Mimaropa at Western Visayas ngayong Lunes.
- Latest