^

Bansa

1 milyong relief items kasado na - DSWD

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
1 milyong relief items kasado na - DSWD
Senior weather specialist Chris Perez gives updates on Typhoon Mawar, which is expected to enter the Philippines this weekend, during a press conference in Quezon City yesterday.
Michael Varcas

Sa maapektuhan ng bagyo

MANILA, Philippines — May isang milyong relief items ang inilaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na posibleng tamaan ng papasok na bagyong Mawar.

Ito ang iniulat ni DSWD Secretary Rex Gatcha­lian sa isinagawang inter-agency meeting ng NDRRMC na bahagi ng preparedness measures ng pamahalaan.

Ayon kay Gatcha­lian, bukod sa family food packs (FFPs) ay mayroon na ring 307,664 non-food items (NFIs) ang naka-posisyon sa strategic locations at warehouses sa iba’t ibang rehiyon pati na sa DSWD National Resource O­perations Center (NROC) at Visayas Disaster Resource Center (VDRC).

Alinsunod na rin ito sa direktiba ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na masigurong nakahanda na ang augmentation support ng DSWD sa mga LGU na maapektuhan ng super typhoon.

Nagpasalamat naman ang kalihim sa Department of National Defense (DND) sa tulong nito para maihatid ang relief packs sa Batanes na isa sa mga lalawigang tinututukan ng pamahalaan.

Sa ngayon, tuluy-tuloy na ang pakikipag-ugna­yan ng DSWD sa mga concerned LGUs upang masiguro ang sapat na tulong na ipagkakaloob sa mga posibleng maapektuhan ng bagyo.

DSWD

MAWAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with