Bong Go: SRP sa sibuyas, agri products istriktong ipatupad
MANILA, Philippines — Hinikayat ni Senator Christopher ‘Bong’ Go ang gobyerno na striktong magpatupad ng suggested retail price o SRP para sa mga agricultural products partikular ang sibuyas.
Ito ay para maprotektahan ang mga consumers sa hindi makatwirang mataas na presyo matapos na mapag-alaman na marami pa rin sa lugar sa Metro Manila ang nagtitinda ng sibuyas sa halagang P200 kada kilo.
Kinalampag din ng senador ang Department of Trade and Industry o DTI na bantayan at magpatupad ng standard retail price gayundin ang kasuhan ang mga mahuhuling lumalabag.
Para matugunan ang problema ay inirekomenda rin ng senador na maimbestigahan ang posibilidad ng hoarding o stockpiling sa nasabing produkto na maaaring dahilan kaya’t nananatili sa mataas na presyo ang sibuyas.
Pinakikilos din ni Go ang mga law enforcement agencies tulad ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), at Bureau of Customs (BOC) na masigasig na ipatupad ang batas at pagtugis sa mga nananamantala sa mga consumers
- Latest