^

Bansa

Teves uuwi ngayon ng Pinas - Remulla

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Teves uuwi ngayon ng Pinas - Remulla
Suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.
Congressman Arnie A. Teves / Facebook page

MANILA, Philippines — Nakatakda umanong bumalik na ng Pilipinas si suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. ngayong Miyerkules, Mayo 17.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, ang impormasyon ay galing umano sa isang mapagkakatiwalaang source na may alam sa mga ‘flight operations’.

Ito ay makaraang ma­bigo si Teves na makakuha ng asylum sa Timor-Leste na nagbigay sa kaniya ng limang araw para umalis ng kanilang bansa. Umapela naman umano si Teves.

“We want him to be able to face the char­ges properly. And the timing is perfect because the charges will be filed tomorrow... I hope he comes home,” saad ni Remulla.

Nakaalerto na ang Philippine National Police (PNP) sa posibleng pagdating ni Teves upang matiyak umano ang kaligtasan niya.

Inaakusahan si Te­ves na siyang mastermind sa pagpaslang kay Governor Roel Degamo at siyam na iba pa. Itinanggi naman ito ni Teves.

Nitong nakaraang Abril, sinabi ni Remulla na iaaplay nila na makasama sa terrorist list si Teves dahil sa impormasyong nakarating sa kanila ukol sa antas ng karahasan umano sa Negros Oriental.

Sa kabila nito, hindi pa rin nakapaghahain ng kasong murder ang DOJ laban kay Teves.

 

ARNIE TEVES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with