^

Bansa

1 milyong pamilyang Pinoy makikinabang sa pagpapalawig ng Real Estate Tax Amnesty

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
1 milyong pamilyang Pinoy makikinabang sa pagpapalawig ng Real Estate Tax Amnesty
Layuning palawigin ng HB 7909 ang amnestiya sa pagbabayad ng Estate tax o buwis sa mga ari-arian, kasama ang ipinamamanang lupain at bahay, hanggang Hunyo 14, 2025 mula sa nakatakda nitong hangganan sa Hunyo 14 ngayong taon.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pinasalamatan ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda, ang pamunuan ng Kamara sa suporta nito, at sa mabilis na pagpasa ng Kapulungan nitong nakaraang Mayo 11 sa House Bill 7909 na magpapahaba ng dalawang taon uli sa umiiral na “Estate Tax Amnesty” na akda niya.

Tinataya ni Salceda na siyang chairman ng House Ways and Means Committee, na mahigit 920,000 o halos isang milyong pamilyang Pilipino ang makikinabang sa naturang panukalang batas.

Layuning palawigin ng HB 7909 ang amnestiya sa pagbabayad ng Estate tax o buwis sa mga ari-arian, kasama ang ipinamamanang lupain at bahay, hanggang Hunyo 14, 2025 mula sa nakatakda nitong hangganan sa Hunyo 14 ngayong taon.

Ipinaliwanag ni Salceda sa “Committee on Rules ng Kamara na ang ideya sa mabisa at mabilis na paglipat sa pag-aari ng mga ari-arian ay upang mabuksan ang kahalagahan ng mga ito sa silbing pang-ekonomiya. “Maaaring masyadong prangka ang tunog nito ngunit totoo namang wala nang magagawa ang patay para maging kapaki-pakinabang ang mga ari-arian. Sa buhay na miyembro ng pamilya na ito nakaatang,” ayon sa kanya.

Binigyang diin ni Salceda na pangunahing prayoridad ng Kongreso ang muling pagpapasigla sa ekonomiya ng bansa, at naka-angkla ito sa mabisang paggamit at pangangasiwa sa mga ‘capital assets,’ lalo na ang mga lupain.

Ayon sa mambabatas, ang hindi naisasaayos na buwis sa mga ari-arian ang malimit maging dahilan ng hindi paggamit nito sa maraming taon, kaya nang unang naisabatas ang Estate Tax Amnesty at pinalawig ito, 133,860 Pilipino ang gumamit nito mula 2019 hanggang 2023 na nagbunga naman ng P7.4 bilyong koleksiyong buwis.

JOEY SARTE SALCEDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with