SWS: 51 percent pamilyang Pinoy nagsabing mahirap sila
MANILA, Philippines — Nasa 51% ng mga pamilyang Pinoy ang ikinukonsidera ang kanilang mga sarili bilang poor o mahirap, batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) sa 1,200 Filipino adults mula Marso 26-29, 2023.
Nasa 31% naman ang nagsabi na sila ay borderline poor, habang 19% ang hindi mahirap.
Anang SWS, ang estimated na bilang ng self-rated poor families ay nasa 14 milyon noong Marso 2023, o pagtaas mula sa 12.9 milyon noong Disyembre 2022.
Mas maraming Pinoy sa Metro Manila at sa Visayas ang nagsabing sila ay mahirap noong Marso.
Nananatili namang statistically steady ang mga borderline poor sa MM mula sa 29%-26%.
Sa Balance Luzon ay nasa 30%-32% at sa Mindanao ay 30%-33%. Gayunman, bumaba ito sa Visayas ng mula 34%-26%.
Tumaas naman ang bilang ng mga pamilyang ikinukonsidera ang kanilang sarili na hindi mahirap.
Sinabi ng SWS na sa estimated 14 milyon na self-rated poor families noong Marso 2023, 1.8 milyon ang newly poor, 1.8 milyon ang usually poor, at 10.4 milyon ang always poor. — Angie dela Cruz
- Latest