^

Bansa

OSG humirit sa CA na iatras ang pag-apruba sa ‘pay-TV service’ ng Newsnet

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Humirit ang Office of the Solicitor General sa Court of Appeals (CA) na irekonsidera ang kanilang mosyon laban sa kautusan nito na nag-aatas sa National Telecommunications Commission (NTC) na awtomatikong aprubahan ang aplikasyon ng News and Entertainment Network Corp. (Newsnet) para makapag-operate ng ‘interactive pay television’.

Ito ay makaraan ang desisyon ng Office of the President ntong Marso 31 na nagbabasura sa kahilingan ng Newsnet na baligtarin ang desisyon ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na humahadlang sa pag-o-operate nila ng ‘pay-TV service’.

Sa manipestasyon ng OSG nitong nakaraang Lunes, hinihikayat nito ang CA na ikunsidera ang naturang desisyon ng Palasyo.

Sa desisyon ng CA, awtomatikong aaprubahan ng NTC ang aplikasyon ng Newsnet para sa ‘local multi-point distribution system (LMDS)’ na magiging daan para makapag-deliber sila ng ‘interactive pay television at multimedia services’ sa bansa. Ito ay sa kabila na may apilasyon ang Newsnet sa NOW Corp. na napasok na ang ‘legislative franchise’ noong Agosto 9, 2021.

Sa desisyon ng CA 8th Division na pinonente ni Associate Justice Perpetua Susana T. Atal-Paño at sinang-ayunan nina Associate Justices Ruben Reynaldo G. Roxas at Maximo M. De Leon noong Hulyo 20, 2022, pinagbigyan ang petition for mandamus ng Newsnet laban sa NTC.

Dito inatasan ang NTC na awtomatikong aprubahan ang aplikasyon ng Newsnet para sa certificate of public convenience (CPC) o provisional authority (PA) dahil sa umano’y kabiguan ng NTC na aktuhan ang aplikasyon sa tamang panahon na isinasaad ng batas.

vuukle comment

ARTA

CA

NTC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with