^

Bansa

MRT-3 nag-sorry sa viral na pagkasira ng laptop sa x-ray scanner pero 'di mananagot

Philstar.com
MRT-3 nag-sorry sa viral na pagkasira ng laptop sa x-ray scanner pero 'di mananagot

MANILA, Philippines — Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 matapos mapinsala ang laptop na ipinasok sa x-ray scanner ng naturang linya ng tren — pero iginiit nilang wala silang pananagutan sa anumang masisira o mapipinsala sa loob ng kanilang pasilidad.

Lunes nang mag-viral online ang reklamo ng commuter na si Allana Columbres matapos ipakita ang basag-basag na screen ng kanyang computer bunsod ng karanasan niya sa MRT-3 Taft Station.

"Upon MRT-3's investigation, Ms. Columbres and a companion were found to have entered MRT-3 Taft premises on March 15, 2023 at around 8:05 p.m. The CCTV positioned at the x-ray scanner counter captured Ms. Columbres proceeding to place her backpack on the conveyor belt of the x-ray scanner," ayon sa kanilang pahayag nitong Martes.

"The security guards on duty, however, were not informed that the backpack contained a laptop. Hence, the electronic gadget was not put on a separate tray, a pile of which is found beside the x-ray scanner, before it was placed on the conveyor belt."

Ayon daw sapanuntunan ng MRT-3, kinakailangang ipalagay sa pasahero sa hiwalay na tray ang mga electronic gadgets gaya ng laptops, tablets at iPads bago ipasok sa conveyor belt para sa scanning. Ito'y para raw mas klaro itong masilip ng scanner.

Pinasinungalingan din ng MRT-3 na napatayo ang kanyang bag nang maglagay ng bag ang isa pang pasahero kumpara sa nauna nitong posisyon na pahiga. Pero nang silipin daw ang CCTV, "naka-upright position" na raw ito nang ilagay sa conveyor belt.

"Moreover, MRT-3’s x-ray machine operator immediately stopped the x-ray scanner when the jam registered on the monitor, to prevent further pile-up. It was then that Ms. Columbres was able to retrieve her bag," dagdag pa nila.

"It is also worth noting that a tarpaulin signage bearing MRT-3's policy on electronic gadgets is positioned beside the x-ray scanner on both the Northbound and Southbound entries of MRT-3 stations. The signage also reminds passengers that MRT-3 will not be liable for any baggage losses or damages incurred while the x-ray scanner is in operation and also while the passenger is inside MRT-3 premises."

"The MRT-3 has already reached out to Ms. Columbres to apologize for the unfortunate incident and the manner by which the on-duty personnel failed to act with more compassion towards her."

Inutusan naman na ang security provider ng linya na maglunsad ng serye ng customer service training para sa lahat ng security personnel habang pinaaalalalahanan ang lahat ng pasaherong ingatan ang kanilang mga gamit.

Ano ba kasing nangyari

Noong nakaraang linggo pa nang mangyari ang insidente, bagay na itinuring ni Allana bilang kanyang "worst commuter experience."

Aniya, nang mapwersa ng lalaki ang kanyang bag na may laptop sa loob, agad siyang nagmadali ngunit nakita na raw na na-stuck na sa loob ng scanner ang gadget. Pero imbis na gumawa ng mabilisang hakbang, pinanuod lang daw siya ng mga nabanggit habang inaabot ang kanyang bag.

"We all know that the scanner has an emergency stop button pero hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit hindi nila pinindot yun kahit hindi na umaandar yung conveyor belt," ani Columbres. 

"They just watched and reacted offensively as I was panicking in front of them. We all heard a loud crack, and then the conveyor started moving again. I immediately checked if my laptop was ok, only to see that it had been bent, and the screen got horribly shattered."

"Tiningnan lang ako ng guards at iba pang mga tao while I was having a panic attack. Tinalikuran ako ng guards, and announced on their megaphone 'Ilagay niyo po nang maayos yung bag niyo para di kayo matulad kay ate dito (referring to me).'"

Pinaalalahanan naman ni Allana ang mga kapwa mananakay na mag-ingat kung paano nila ilagay ang kanilang mga gamit sa scanner. Noong isang taon lang daw daw kasi ito binili na siyang regalo pa ng kanyang amang overseas Filipino worker.

vuukle comment

METRO RAIL TRANSIT LINE

MRT-3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with