^

Bansa

Teves humingi ng 2-month leave sa Kamara dahil sa 'banta sa buhay'

James Relativo - Philstar.com
Teves humingi ng 2-month leave sa Kamara dahil sa 'banta sa buhay'
This photo shows Rep. Arnolfo "Arnie" Teves Jr.
Congressman Arnie A. Teves / Facebook

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez na humiling ng dalawang buwang "leave of absence" ang kontrobersyal na si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. 

Natanggap daw ni Romualdez ang nasabing sulat noong ika-15 ng Marso matapos hainan ng reklamong kriminal si Teves para sa "loose firearms and explosives" sa kanyang tahanan. Idinidiin ngayon ang huli bilang utak diumano sa pagpapatumba kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

"The undersigned Representative of the Third District of Negros Oriental humbly plea and request that he be granted a two-month leave of absence due to very grave security threat to his life and his family, to be reckoned from March 9, 2023," ani Teves sa liham kay Romualdez.

"Rest assured that he will come back as soon as the threat will be dealt with accordingly under our laws, and with the aid of the government."

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang sabihin ng mga abogado ni Teves na plano talaga niyang umuwi ng Pilipinas ngunit hindi pa ito magawa dahil sa mga problemang pangseguridad.

Ika-9 ng Marso pa napaso ang kanyang travel authority kung kaya't pinagpapaliwanag siya ngayon ng ethics and privileges committee ng Kamara kung bakit hindi pa rin siya bumabalik ng Pilipinas para magtrabaho. Nasa Estados Unidos pa rin siya dahil sa isang "personal trip."

Matatandaang ika-4 ng Marso nang pagbabarilin si Degamo habang inaasikaso ang ilang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa kanilang tahanan.

Kapatid ni Arnolfo si Pryde Henry Teves, dating gobernador din ng Negros Oriental at mahigpit na karibal sa pulitika ni Degamo— may mga ulat mula kay Cristina Chi

HOUSE OF REPRESENTATIVES

LEAVE OF ABSENCE

MARTIN ROMUALDEZ

NEGROS ORIENTAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with