^

Bansa

Posible pang health crisis, paghandaan - Bong Go

Pilipino Star Ngayon

Iginiit paglikha ng PH CDC

MANILA, Philippines — Sinusugan ni Senate committee on health chair, Senator Christopher “Bong” Go ang pagtatatag ng Phi­lippine Center for Disease Control and Prevention para matiyak na ang sistema ng pangangalagang pangkalusugan sa bansa ay mas handa sa pagtugon sa mga posibleng kaharaping krisis sa kalusugan ng publiko.

Sa kanyang co-sponsorship speech sa Senate Bill No. 1869 sa ilalim ng Committee Report No. 28, sinabi ni Go, na siya ring co-author ng panukala, bukod sa pagpapagana ng mga pasilidad sa kalusugan, ang bansa ay nangangailangan ng isang ahensya na nakatuon sa pag-iwas at pagpigil ng mga nakahahawang sakit sa gitna ng epekto ng pandemya ng COVID-19.

Sinabi ni Go na lampas na sa takdang panahon para sa bansa na bumuo ng sarili nitong CDC sa pagsasabing malaki ang papel nila sa kung paano tutugon ang ibang mga bansa sa COVID-19.

Ipinunto niya na ma­ging si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay kinilala ito at nauna nang humiling sa Kongreso na ipasa ang panukala.

Kaya nagagalak siya sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. dahil sa pagkilala sa kaha­lagahan ng panukalang ito.

Sa ilalim ng iminungkahing batas, ang CDC ay direktang isasailalim sa opisina ng kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan. Ito ay magiging isang organisasyong nakabatay sa agham at magiging teknikal na awtoridad sa pagtataya, pagsusuri, diskarte, at pagbuo ng mga pamantayan sa pag-iwas at pagkontrol sa lahat ng sakit na may kaugnayan sa kalusugan ng publiko, seguridad sa kalusugan, domestic man o internasyonal ang pinagmulan.

Magiging bahagi ng CDC ang Research Institute for Tropical Medicine kung maipapasa ang panukalang batas.

Binigyang-diin ang mahalagang papel nito sa panahon ng pandemya, sinabi ni Go na ipinaglaban niya ang badyet ng RITM na napatunayang napakahalagang desisyon nang tumama ang pandemya sa bansa.

Matagumpay na naisulong ng senador ang karagdagang P105 milyon sa 2020 budget ng RITM, na tumaas ang kabuuang badyet sa P223.8 milyon noong taong iyon. Muli niyang itinulak na itaas pa ang budget nito sa P393.8 milyon noong 2021, at muli sa 2022 hanggang P730 milyon.

HEALTH CRISIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with