^

Bansa

P107 milyong farm machinery ibinigay ng PhilMech sa mga magsasaka

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagkakahalaga ng P107 milyon na iba’t ibang uri ng farm machinery ang ipinamahagi ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) sa mga magsasaka sa Nueva Ecija.

Ayon kay PhilMech Director Dionisio Alvindia, ang 2023 machinery distribution ay sa ilalim ng RCEF Mechanization Program ng pamahalaan.

Sinabi ni Dir. Alvindia na may kabuuang 59 na qualified Farmers’ Cooperatives and Associations (FCAs) at Local Government Units (LGUs) ang napagkalooban ng mga nasabing makinarya na tiyak na magpapagaan at magpapabilis ng trabaho sa pagsasaka ng mga magsasaka sa bansa.

Kabilang sa mga makinarya na ipinamahagi sa mga magsasaka noong Enero 26, 2023 ay 15 units ng hand tractors, 27 units ng walk-behind rice transplanters, 2 units ng riding-type rice transplanters, 2 units ng precision rice seeders, 3 units ng rice reapers, 25 units ng  rice combine harvesters at 14 units ng 6-ton recirculating dryers.

Pahayag pa ni Dir. Alvindia, paunang distribusyon pa lamang ngayong taon ang kanilang naibigay sa mga magsasaka sa Nueva Ecija dahil sa susunod na mga araw at buwan ay sa ibang lalawigan naman sila mamamahagi ng makinarya.

“Pauna pa lamang po iyan ngayon taon, susunod na sa ibang lalawigan at probinsiya hanggang mapagkalooban namin ang lahat ng magsasaka sa bansa” ani Dir. Alvindia.

Ang PhilMech ay isa sa mga attach agency ng Department of Agriculture (DA).

Si Dir. Alvindia ay umupo sa puwesto noong Marso 2022 at nangakong ipapatupad ang mga proyektong isinusulong ng Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., para sa kapakanan ng milyun-milyong magsasaka upang magkaroon ng food sufficiency o sapat na pagkain sa bansa.

vuukle comment

PHILMECH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with