^

Bansa

Ilang biyahero mula China, positibo sa COVID-19

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Ilang biyahero mula China, positibo sa COVID-19
Inihayag ito ni BOQ deputy director Roberto Salvador Jr. ngunit hindi pa siya nagbibigay ng eksaktong numero ng mga biyahero na nadiskubre nilang positibo sa virus.
Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Ilang pasahero na nanggaling sa China ang nadiskubre ng Bureau of Quarantine (BOQ) na positibo sa COVID-19 at ngayon ay nasa isolation na.

Inihayag ito ni BOQ deputy director Roberto Salvador Jr. ngunit hindi pa siya nagbibigay ng eksaktong numero ng mga biyahero na nadiskubre nilang positibo sa virus.

“Marami nang dumarating na Chinese pero iilan lang naman ‘yung mga nire-require natin na mag-antigen test—‘yung mga partially vaccinated. Meron ding nag-positive at ngayon naka-isolate naman po siya doon sa mga isolation facilities natin,” saad ni Salvador.

Kakaunti lamang umano ang mga nagpositibo na kinailangan na sumailalim sa antigen test dahil sa pumasok sila sa Pilipinas na walang testing at hindi o partially na bakunado.

Sa kasalukuyang protocols, tanging mga dayuhang biyahero na hindi pa fully-vaccinated ang kinakailangang magprisinta ng negatibong antigen o RT-PCR test ng pre-departure at paglapag sa Pilipinas.

Dinala na ang mga sample ng mga biyahero sa Philippine Genome Center para madetermina kung anong variant ang kanilang taglay habang nasa istriktong isolation na umano sila.

“As early as December 29, nagbaba na ang BOQ ng alert notice ng mga travelers galing China. Ito ay pinagtibay ng memorandum order ng DOH na inuutusan ang Bureau of Quarantine at lahat ng agencies na maghanda at magbantay sa mga arriving travelers natin from China,” dagdag pa ni Salvador.

BOQ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with