^

Bansa

'Oks na manorotot': DOH hindi na tutol sa New Year noise maker kahit COVID-19 nariyan

James Relativo - Philstar.com
'Oks na manorotot': DOH hindi na tutol sa New Year noise maker kahit COVID-19 nariyan
Makikita sa litratong ito kung paano ihipan ng isang lalaki ang isang torotot sa pampublikong lugar
The STAR/Walter Bollozos, File

MANILA, Philippines — Hindi na tataas ang kilay ng Department of Health (DOH) isubo mo man at ihipan nang buong giliw ang torotot sa darating na Bagong Taon, basta't maging responsable pa rin daw sa banta ng pagkalat ng COVID-19.

Taong kasi 2020 at 2021 nang tahasang i-discourage ng DOH ang paggamit nito bilang alternatibong paingay sa paputok tuwing New Year dahil nakapanghahawa raw ng COVID-19 ang "droplets" nito tuwing bubugahan.

"[W]e are trying to decouple the restrictions with the alert level system. Alinsunod diyan, binibigyan natin ngayon ng mas focus ang individual behavior and responsibility," ani DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, Huwebes sa isang media forum.

"So kung noong isang taon po, atin pong pinagbawalan talaga specific ang torotot dahil po sa pagkalat ng impeksyon, sa ngayon po hindi mangyayari na imamandato ng ating national government." 

Ilang dekada nang iminumungkahi ng health, animal at environmental advocates ang paggamit ng torotot at pagkalampag ng mga kaldero tuwing New Year kaysa magpaputok, lalo na sa epekto nito sa kalikasan, mga hayop at dami nang naoospital taun-taon.

Kilalang naipapasa-pasa ang COVID-19 sa pamamagitan ng laway atbp. respiratory fluids, dahilan para pati pag-awit sa videoke ay imunungkahing ipagbawal ng Department of the Interior and Local Government. Ang nabanggit ay ipinagbawal sa Cavite noong 2020.

"Lagi po nating tatandaan: ibang-iba na ang sitwasyon natin compared to one year or two years ago. Ngayon po, mas marami na sa atin ang bakunado. Ngayon po, tayo pong lahat nakikita natin that we have imbibed that good behavior of practicing our minimum public health standards."

"So dati, pati torotot ay atin pong medyo ating nire-regulate dahil nga po sa walang kasiguruhang pagkalat ng sakit, ngayon po mas kumpiyansa tayo na mas prepared tayo at mas maalam na po ang ating mga kababayan kung paano nila proproteksyunan ang kanilang sarili."

Ligtas na paggamit ng torotot

Nagbigay naman ng payo ang DOH kung paano matitiyak na ligtas ang paggamit ng torotot ngayong 2022 laban sa lalong pagkalat ng COVID-19:

  • Iwasang pagpasa-pasahan o maghiraman ng torotot
  • Gamitin ito sa open spaces kaysa indoors

Ang mga nabanggit na paalala ay ibinigay ng kagawaran ngayong optional na lang ang pagsusuot ng face masks sa indoor at outdoor settings.

36 katao nadisgrasya na ng paputok

Samantala, umabot na sa 36 katao ang nadadali ng paputok ngayong araw, bagay na 44% mas mataas kumpara sa mga datos noong nakaraang taon sa parehong taon.

Ang mga naturang fireworks-related injuries ay naobserbahan ng DOH mula ika-21 hanggang ika-29 ng Disyembre.

Pinakamarami na sa nadisgrasya ay dulot ng boga (14) at whistlebomb (4), habang pinakamadalas na naaapektuhang parte ng katawan ay mata (19) at kamay (13).

Western Visayas pa rin ang may pinakamaraming kaso (9) ng FWRIs. Sa kabutihang palad, wala pa ring nakakalunok ng paputok o natatamaan ng ligaw na bala.

Ayon sa DOH, posibleng tumataas ang mga nabibiktima ngayong taon dahil "excited" ang publikong magdiwang matapos ang dalawang taong balik-balik na lockdowns.

COVID-19

DEPARTMENT OF HEALTH

FIREWORKS

INJURIES

NEW YEAR

TOROTOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with