^

Bansa

CMU faculty and staff tiwala sa administrasyon ni Mayor Sandoval

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malaki ang tiwala ng faculty at staff ng City of Malabon University (CMU) na mareresolba ng bagong administrasyon, sa ilalim ni Mayor Jeannie Sandoval, ang mga problema sa delayed na suweldo na iniwan ng dating administrasyon.

Matapos ang dalawang buwang pagkaantala ng suweldo ng mga guro at staff sa CMU, inumpisahan na ang immediate release ng unpaid salaries mula Mayo hanggang Hunyo.

Naunang pinaimbestigahan ng alkalde ang mga ulat na tatlong buwan na hindi nakasahod ang mga CMU lecturers.

Kabilang sa mga naging problema ang mga faculty and staff na kinontrata para sa mga proyekto nang walang proper documentation. Sa tulong ng alkalde, isa-isang niresolba ang isyu at siniguro na hindi makokompromiso ang integridad ng bagong administrasyon.

Mahigpit na minomonitor ng pamahalaang lokal na Malabon ang lahat ng aktibidad sa CMU upang matiyak na maiaayos ang lahat ng backlogs. Nagsagawa na rin ng mga operational reforms at bagong polisiya.

Magugunitang natanggal ang CMU sa listahan ng mga benepisyaryo ng Commission on Higher Education (CHED) Unified Student Financial Assistance Sytem for Tertiary Education (UniFast) program dahil hindi nagsumite ang nakaraang administrasyon ng mga requirements na kailangan sa loob ng nakalipas na tatlo at kalahating taon.

Nagdulot ito ng malaking problemang pinansiyal pero nireresolba ng bagong administrasyon at pinaglalaanan ng substantial funds ang pagbili ng Human Resource Information System para remedyuhan ang lahat ng HR related transactions.

Ngayong batid na ng CMU faculty and staff ang poor governance ng nakaraang administrasyon, tiwala naman ang mga ito sa mga pagbabagong inumpisahan ng bagong talagang presidente ng CMU na si Dr. Glen De Leon.

MALABON UNIVERSITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with