^

Bansa

Insentibo, rice allowance sa government workers aprub ni Pangulong Marcos

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Insentibo, rice allowance sa government workers aprub ni Pangulong Marcos
Ininspeksiyon kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang NFA warehouse sa Valenzuela City kung saan tiniyak niya na tuluy-tuloy ang suplay ng bigas para sa Kadiwa project. May kaugnay na ulat sa pahina 3.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang administrative order na magbibigay ng service recognition incentive (SRI) sa mga empleyado sa executive department gayundin ang one-time rice allowance sa lahat ng empleyado ng gobyerno para sa taong ito.

Base sa AO, hindi dapat lumagpas sa P20,000 ang one-time SRI sa executive department personnel.

Kabilang sa maaaring tumanggap ng insentibo ang mga sibilyang tauhan sa mga national government agencies (NGAs), mga nasa state universities and colleges (SUCs), government-owned or controlled corporations (GOCCs), regular, contractual o casual emplo­yees, ­miyembro ng militar at pulisya, gayundin ang mga tauhan ng bumbero at kulungan sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Tatanggap din ng insentibo ang mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor), Philippine Coast Guard (PCG), at National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA).

Ang mga empleyado ng dalawang kapulungan ng Kongreso, Hudikatura, Office of the Ombudsman at mga Constitutional offices ay maaari ring bigyan ng isang beses na SRI na hindi hihigit sa P20,000.

Ang mga empleyado sa local government units (LGUs), kabilang ang mga nasa barangay, ay maaari ring tumanggap ng insentibo depende sa kakayahan ng LGU.

Pinahintulutan din ni Marcos ang pagbibigay ng isang beses na rice assistance sa mga tauhan ng gobyerno.

Kabilang sa mga karapat-dapat na tumanggap ng rice subsidy ang mga sibilyang tauhan sa NGAs, kabilang ang mga nasa SUCs, GOCCs, government financial institutions (GFIs), ­government ­instrumentalities na may corporate powers, at ­government corporate entities na may regular, contractual o casual positions.

May karapatan din ang mga tauhan ng militar, pulis, bumbero at kulu­ngan na makatanggap ng tulong na bigas.

Ang mga empleyado ng BuCor, PCG, at NAMRIA ay makakatanggap din ng suporta.

FERDINAND R. MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with