Maagang Pamasko handog ng Rotary Club of Malate Prime sa PGH cancer patients
MANILA, Philippines — Ang Rotary Club of Malate Prime, na pinangungunahan ng kanilang Phenomenal Leader President (PLP) Roland Lim at President-Elect (PE) Daisy Valdez ay nagsagawa ng maagang pagbibigay ng mga regalo bilang Pamasko, sa pamamagitan ng Make-a-Wish project sa ilang piling pasyente ng Philippine General Hospital Cancer Institute (PGH-CI) kahapon ng umaga.
Nasa 21 pasyente ng PGH-CI ang nakatanggap ng maagang Pamasko Mula sa RCMP, kasama na rito ang mga gadgets tulad ng mga cellphone, tablet, laptop, gatas at mga dietary supplements, noche buena package, at cash mula sa mga opisyal at miyembro ng club at iba pang partner-sponsors.
Nagbigay din ng meryenda ang grupo na inasikaso ni PE Daisy.
Kasama ni PLP Roland at PE Daisy sa proyektong ito sina LCP Rommel Roxas, TP Jimmie Ocampo, WCP Ronilda Reluya, Rtn Catherine Roxas, Rtn Manuel Uy, Rtn Jobien Carvajal, Rtn Bong Mercado III at ang mga bagong miyembrong sina Rtn. Samuel Alum at Rtn. Liezel Alum.
- Latest