^

Bansa

Puerto Galera susunod na “MOTOurism” destination

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Puerto Galera susunod na �MOTOurism� destination
Ayon kay Puerto Ga­lera Mayor Rocky Ilagan, layunin ng MMEC na ipakilala ang Puerto Galera bilang susunod na destinasyon para sa motorcycle tourism o “MOTOurism.”
Josh Bousel / File

MANILA, Philippines — Mahigit sa 500 motorcycle rider mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nagtipun-tipon sa isla ng Puerto Galera sa Oriental Mindoro nitong Biyernes upang makibahagi sa ika-apat na taon ng Mangyan Motorcycle Endurance Challenge (MMEC) na bahagi ng pagdiriwang ng 95 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Puerto Ga­lera.

Sinubok ng MMEC ang husay at katatagan ng mga motorcycle rider sa 1,000-km motorcycle ride mula sa bagong bihis na Sabang Baywalk papunta sa Occidental Mindoro at pabalik sa Sabang sa kabila ng dilim at malakas na buhos ng ulan, pinagtagumpayan ng mga motorcycle rider ang naturang hamon. 

Ayon kay Puerto Ga­lera Mayor Rocky Ilagan, layunin ng MMEC na ipakilala ang Puerto Galera bilang susunod na destinasyon para sa motorcycle tourism o “MOTOurism.”

Umaasa rin si Ilagan na makatutulong ang mga sumali sa MMEC sa pagpapalaganap ng turismo ng Puerto Galera sa kanilang social media.

Aminado ang lokal na pinuno na kailangan pang paigtingin ang kanilang kampanya para bumalik sa normal na lebel ang turismo ng isla na sadyang pinadapa ng COVID-19 pandemic.

Minsan nang hinirang ang Puerto Galera bilang isa sa mga “Best Islands in the World” ng ilang international travel websites.

vuukle comment

PUERTO GALERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with