Maharlika Wealth Fund, tablado sa Makati Business Club
MANILA, Philippines — Tinutulan ng Makati Business Club (MBC) kasama ang 11 pang business groups, ang panukalang pagtatatag ng Maharlika Wealth Fund (MWF) na isinusulong ngayon sa Kongreso.
“We, the undersigned business associations and economic policy groups, do not support the government’s move to establish a Sovereign Wealth Fund (SWF) in the form of the Maharlika Wealth Fund (MWF) as proposed in the House bill No. 6398,” ayon sa opisyal na pahayag ng MBC.
Ikinatwiran nila na walang surpluses ang Pilipinas mula sa kalakalang-panlabas at “state-owned enterprises (SOEs)” katulad ng ibang bansa na may SWF.
Sa kasalukuyan, nakakaranas pa ang bansa ng mataas na fiscal deficit na nasa 8%-9% ng Gross Domestic Product mula sa dating 3% lamang bago ang pandemya at lumobo rin ang utang ng bansa sa 40% hanggang 64% ng GDP.
Hindi rin naman umano kumikita ng malaki ang mga government-owned-and-controlled corporations (GOCC) ng pamahalaan kaya wala o mababa ang surpluses.
Ayon sa MBC, ang prayoridad dapat ng gobyerno ay ang tamang pamamahala sa fiscal deficit at utang para maiwasan na bumagsak pa ang credit rating ng Pilipinas. Kasabay rin dito ang pagbibigay ng angkop na serbisyo publiko.
“The country does not have a bonanza of commodity surpluses that need to be deployed. Instead of leaving a legacy of surplus funds to be managed for future generations, the current generatio is leaving a legacy of heavy indebtedness which future generations need to pay or refinance,” katwiran pa ng MBC.
- Latest