^

Bansa

DOH: Hand, foot and mouth disease kumakalat sa NCR; outbreak 'wala pa'

James Relativo - Philstar.com
DOH: Hand, foot and mouth disease kumakalat sa NCR; outbreak 'wala pa'
Teachers watch their students walk along a corridor after a short break at the start of classes at a school in Quezon City, suburban Manila on August 22, 2022 as millions of children in the Philippines returned to school as the academic year started on August 22, with many taking their seats in classrooms for the first time since the Covid-19 pandemic hit.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Aminado ang Department of Health na tumataas nang talaga ang kaso ng "hand, foot and mouth disease" (HFMD) sa Metro Manila — pero ayon msa kagawaran, "wala pang idinedeklarang outbreak sa ngayon."

Ito ang tiniyak ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, Martes, sa isang media forum matapos aniya matukoy ang 155 kaso ng HFMD sa Kamaynilaan simula Oktubre hanggang ika-6 ng Disyembre 2022. 

Karamihan sa kanila ay mga batang 11-anyos pababa. Sa kabutihang palad, wala pang nasasawi sa mga naitalang kaso kamakailan sa Metro Manila.

"Wala po tayong idinedeklarang outbreak para sa hand, foot and mouth disease. Hindi po siya nangyari na isahan lang. Nangyari po siya over the span of two or three months dito po sa National Capital Region,"

"We are seeing an increase in cases 'pag tinignan natin for these past weeks ng hand, foot and mouth disease. Pero wala po tayong trigger... enough basis for our local governments to declare outbreaks in their area."

"These are all manageable and preventable." 

Ilang araw pa lang ang nakalilipas matapos ma-detect ang 1,008 ang kaso ng HFMD sa Batangas, maliban pa sa 541 kaso ng nakamamatay na sakit sa Albay.

Dagdag pa ni Vergeire, ngayong umaga lang nang matanggap ng kanilang opisina na dumarami raw ang HFMD cases sa Sta. Mesa, ngunit hindi pa raw nila ito itinatala sa opisyal na datos para magberipika muna.

"'Pag tinignan natin, 'yung kaso po [sa Sta. Mesa] ay galing sa isang post ng isang doktor. Wala naman siyang binigay talaga na actual na number. Sinabi lang niya marami siyang nakikita," sabi pa ng DOH official.

Ano ba ang HFMD?

Ang hand, foot and mouth disease ay isang nakahahawang viral infection na madalas maipasa sa mga malilit na bata.

Ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention (US CDC), kabilang sa mga sintomas nito ay:

  • lagnat
  • mouth sores
  • skin rash (madalas sa kamay at paa)

"Most children have mild symptoms for 7 to 10 days," sabi ng US CDC.

Bagama't rare, ilan sa mga posibleng maging komplikasyon nito ay:

  • dehydration
  • pagkatanggal ng kuko sa mga daliri ng kamay at paa
  • viral (aseptic) meningitis
  • encephalitis o paralysis

Sa ilang pagkakataon ay maaari itong magdulot ng seryosong komplikasyon at kamatayan.

DEPARTMENT OF HEALTH

HAND FOOT AND MOUTH DISEASE

METRO MANILA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with