^

Bansa

'In 4 months': DILG ibinida 24K drug suspects na naaresto sa ilalim ni Marcos

James Relativo - Philstar.com
'In 4 months': DILG ibinida 24K drug suspects na naaresto sa ilalim ni Marcos
Prison inmates sit inside a compound chapel as police conduct a search operation in the cells for contraband and illegal drugs at the Manila City Jail in Manila on October 21, 2022.
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Ipinagmalaki ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagpapatuloy ng mga operasyon nito laban sa iligal na droga, bagay na nagdulot na ng pagkakadakip ng libu-libo sa ilalim ng programang Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang lahat ng ito nangyari lang daw sa halos apat na buwan ng panunungkulan ng presidente sa Malacañang.

"Mula Hulyo 1 hanggang Nobyembre 24, 2022, may 24,159 drug personalities na ang naaresto sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos," ayon sa pahayag ng DILG, Lunes.

"May kabuuang P9.9-bilyong piso na ring halaga ng iligal na droga ang nakumpiska sa mga drug operations na isinagawa ng pulisya."

Ani Interior Secretary Benhur Abalos Jr., ikinakasa ang mga drug raid at operasyon ng kapulisan atbp. drug enforcement units ng BIDA, habang "nagbibigay pokus" sa demand reduction at rehabilitasyon ng mga gumagamit ng iligal na droga.

Aalalayan din daw ng BIDA ang mga nalululong sa narcotics upang "tuluyan nang magbagong-buhay."

Una nang sinabi ni Marcos Jr. na pagtutuunan nito ng pansin ang prevention at rehabilitation ng users, palayo sa madugong gera kontra droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na kinakastigo ng human rights groups.

Sabado lang nang halos 25,000 katao ang dumagswa sa Quezon City Memorial Circle para sa BIDA grand launching, kung saan sila ay nagpahayag ng suporta para sa kampanya.

Nangyayari ito matapos aminin ng Philippine National Police ngayong buwan na umabot na sa 46 ang napapatay sa mga anti-drug operations, kahit na sinasabing "bloodless" na ang kampanya ng gobyerno.

Sa kabila nito, pinasisinungalingan ito ng grupong Human Rights Watch at Karapatan matapos lumabas sa estima ng University of the Philippines’ Third World Studies Center na umabot talaga sa 127 ang napapatay sa ilang buwang panunungkulan ng presidente.

Bagama't pinapalitan ng administrasyon ang tono nito pagdating sa drug war, matatandaang sinabi ng presidente na walang balak ang Pilipinas na sumapi uli sa International Criminal Court, na posibleng magsimula ng imbestigasyon nito patungkol sa "crimes against humanity" ni Duterte kaugnay ng extrajudicial killings atbp. dahil sa drug war.

ARRESTS

BENHUR ABALOS

BONGBONG MARCOS

DILG

EXTRAJUDICIAL KILLINGS

HUMAN RIGHTS

WAR ON DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with