^

Bansa

Kalansay ng tao nahukay sa DOJ compound... pero 'di ito ang first time

Philstar.com
Kalansay ng tao nahukay sa DOJ compound... pero 'di ito ang first time
Nangyari ito, Huwebes, sa Padre Faura, Maynila habang nagsasagawa ng excavation ang kagawaran para sa pagpapatayo ng panibagong gusali.
Video grab mula sa video ng JUCRA pool

MANILA, Philippines — Nahukay sa loob ng compound ng Department of Justice (DOJ) ang ilang kalansay ng tao — ang matindi rito, ilang beses nang nakahahanap ng mga labi sa naturang lugar.

Nangyari ito, Huwebes, sa Padre Faura, Maynila habang nagsasagawa ng excavation ang kagawaran para sa pagpapatayo ng panibagong gusali.

Hindi pa malinaw ang pagkikilanlan ng naturang labi, at wala pang opisyal na pahayag ang DOJ patungkol sa insidente sa ngayon. 

Matatandaang ika-4 ng Pebrero 2009 ay nakahanap ng ilang kalansay at dalawang bungo sa loob ng DOJ, bagay na pinaghihinalaang inilibing 25 taon na ang nakalilipas.

Taong 2005 naman nang makakita ng limang bungo at buto ng mga tao sa construction site kung saan nakatayo ang Forum Building ng DOJ poffice, ayon sa ulat ng Inquirer.Net.

Lumalabas ang balita patungkol sa nahukay na labi ng tao habang kontrobersyal pa ang nangyayaring paghuhukay sa loob ng New Bilibid Prison, bagay na ginawa raw ng suspendidong hepe ng Bureau of Corrections na si Gerald Banta, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla. — James Relativo

vuukle comment

DEPARTMENT OF JUSTICE

SKELETON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with