^

Bansa

Demolisyon kay Antiporda binatikos ng solons

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inalmahan ng mga mambabatas sa Kamara ang umano’y demolisyon kay National Irrigation Administration (NIA) administrator Benny Antiporda na naglalagay umano sa panganib sa pangangailangan ng supply ng enerhiya sa bansa at mga pangangailangan sa irigasyon.

“Nakababahala na ang isang magaling na tao ng gobyerno ay sirain dahil lang sa kanyang management style na tama lang na gawin dahil maraming ano­malya sa NIA,” pahayag nina Philippine Rural Electric ­Cooperative Association (Philreca) Rep. Presley C. De Jesus at Iloilo Rep. Julienne “Jamjam” Baronda.

Ang tinutukoy ng mga solon ay ang reklamong inihain laban kay Antiporda ng dalawang dating opisyal ng NIA dahil sa umano’y grave misconduct, harassment, oppression at ignorance of the law.

Si Antiporda ay pinatawan ng anim na buwang preventive suspension na walang sahod noong ­Nobyembre 15, 2022.

Sinabi ni Antiporda na hindi pa siya nakatatanggap ng pormal na kopya ng reklamo laban sa kanya.

Ang isa pang sinasabing nagrereklamo, ang NIA Employees Association of the Philippines (NIAEASP), ay tinuligsa na ang pagkakasama nito bilang ­complainant laban kay Antiporda.

Sa katunayan, sinabi ni NIAEASP president Eduardo Yu sa isang pahayag noong Nobyembre 16 na nananatili at naninindigan sila ng pagsuporta sa pamumuno ni Antiporda sa NIA.

Sinabi ni Rep. De Jesus bilang nangungunang boses sa Kongreso para sa mga electric cooperative sa bansa na ang pag-tap sa PPP na iminungkahi ni Antiporda ay makatutulong din sa pagtugon sa pangangailangan ng suplay sa kuryente sa mga kanayunan.

“Ang rural electrification ang aking adbokasiya. Kapag nakapagtayo ng maraming (water) dams, marami rin ang maitatayong hydroelectric power at solar power plants,” ayon kay De Jesus.

“At dahil sa PPP proposal ni Antiporda, siguradong dadami ang mga proyekto na makatutulong din sa ­problema sa kuryente (supply) sa rural areas,” ipinunto pa niya.

DEMOLISYON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with