81% kabataan sa mundo, kulang sa exercise
MANILA, Philippines — Kulang sa pag-eehersisyo o iba pang pisikal na aktibidad ang nasa 81% ng mga kabataan sa buong mundo na isa sa dahilan ng problema sa kanilang kalusugan.
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang mga kabataan na nasa edad 11-17 taong gulang o mga “adolescents” ay gumugugol ng mas mababa sa isang oras ng “moderate” hanggang “intense” na pisikal na aktibidad kada araw.
Nasa 85% ng mga babae ang hindi aktibong pisikal at 77% ang mga lalaki.
Sa datos pa ng WHO nitong 2019, nangunguna ang South Korea sa mga bansa na may pinakamaraming hindi pisikal na aktibong kabataan, at kasunod ang Pilipinas.
Isa sa dahilan na nakikita ay ang labis na pagkahumaling ng mga Pilipino sa paggamit ng mga gadgets partikular ang cellphone kaya nawawalan ng oras o interes sa pisikal na aktibidad.
Dahil dito, mas lantad ang mga ganitong uri ng kabataan sa pag-debelop ng sakit sa puso, obesity, diabetes, at iba pa.
- Latest