Tipak ng Chinese rocket 'posible bumagsak' malapit sa Ilocos Norte, Cagayan

A Long March-7 Y5 rocket carrying the Tianzhou-4 cargo spacecraft lifts off from the Wenchang Space Launch Center, in southern China's Hainan province early on May 10, 2022.
AFP/CNS

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Philippine Space Agency patungkol sa posibleng pagbulusok ng ilang "rocket debris" ng Wenchang Space Launch Center mula Hainan Island, China — ito matapos matukoy ang dalawang drop zones sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.

Sa isang pahayag ng PhilSA, sinabing inoobserbahan nila ang Long March 7A (CZ-7A) rocket na siyang pinalipad bandang 9:19 p.m. nitong Martes.

"In prior coordination with the Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), PhilSA was able to verify the estimated drop zones of the rocket debris from the Notice to Airmen (NOTAM) issued by the Civil Aviation Administration of China," wika ng local space agency kahapon.

"Two drop zones within the Philippine territory have been identified based on the NOTAM: Drop zone 1 is approximately 71 kilometers from Burgos, Ilocos Norte, while drop zone 2 is approximately 52 kilometers away from Sta. Ana, Cagayan."

Isinumite na rin ang impormasyon na ito at ang ilang actionable details sa isang ulat sa lahat ng mga relevant government agencies bago pa nangyari ang launch.

Bagama't mababa raw ang posibilidad na may tamaan itong erya na tinitirhan, nagbabala ang PhilSA na pwede pa rin itong panggalingan ng peligro sa tao.

"While debris from CZ-7A is unlikely to fall on land features or inhabited areas in the Philippine territory, falling debris still poses a considerable threat to ships, aircraft, fishing boats, and other vessels that will pass through the drop zones," dagdag pa nila.

Hulyo lang nang bumagsak sa Philippine waters ang ilang labi ng Long March 5B rocket sa isang "uncontrolled reentry."

Hindi pa rin tinatanggal ng gobyerno ng Pilipinas ang posibilidad ng isa pang uncontrolled reentry ng upper stages ng Long March 7A sa ngayon.

Pinaalalahanan naman ng PhilSA sa publiko na agad ipag-alam sa otoridad kung makakita sila ng pinaghihinalaang lumulutang na debris nito sa karagatan.

Nagbabala rin sila laban sa basta-bastang pagkuha ng mga naturang debris at paglapit sa mga naturang materyal. — may mga ulat mula sa ONE News

Show comments