^

Bansa

Indonesian investors nais magnegosyo sa Pinas

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Indonesian investors nais magnegosyo sa Pinas
President Ferdinand Marcos Jr. with Indonesian President Joko Widodo during the former's state visit to Indonesia. Marcos Jr. visited Indonesia upon Widodo's invitation, with a trip lasting from September 4 to 6, 2022.
Facebook / Bongbong Marcos

MANILA, Philippines — Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maraming Indonesian investors ang nais magtayo ng negosyo sa Pilipinas maging ang mga mi­nisters ni Indonesian President Joko Widodo.

“Very enthusiastic naman ang mga ministers ni President Widodo, ‘yung mga prospects dito sa atin sa Pilipinas, and marami silang nakikitang mga opportunities. So we will pursue that,” ani Marcos.

Marami aniyang mamumuhunan ang nais palakihin ang negosyo sa bansa.

Inilarawan ng Pangulo ang kanyang unang paglalakbay sa ibang bansa mula nang manungkulan noong Hun­yo bilang “mas produktibo kaysa sa inaasahan namin.”

Sinabi rin ni Marcos na ang matagal ng relasyon ng Pilipinas sa malapit nitong kapitbahay, ang Indonesia, ay nagsilbing “pangunahing pundasyon” ng lahat ng mga deal at kasunduan sa iba’t ibang larangan.

“Ang maganda nito, Jakarta, Indonesia long-standing – 73 years na tayong mag-partner ng Indonesia. So meron talagang tayong pundasyon na maganda na we can build on for – to develop all of these,” ani Marcos.

Apat na kasunduan sa ekonomiya, ugnayang pang­kultura, at depensa ang nilagdaan noong Lunes sa pagbisita ni Marcos sa bansa.

Napag-usapan din nila ni Widodo ang mga plano nila sa gagawing ASEAN conference sa Nobyembre.

INDONESIA PRESIDENT JOKO WIDODO

PANGULONG MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with