^

Bansa

Bigyan ng tsansa ang PS-DBM

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Budget Chief umapela

MANILA, Philippines — Umapela si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pa­ngandaman na bigyan sila ng pagkakataon para aayusin ang sistema sa Procurement Service (PS) sa ilalim ng kaniyang tanggapan matapos itong masangkot sa mga kuwestiyonableng pagbili ng mga kagamitan at iba pang panga­ngailangan ng mga departamento at ahensya ng pamahalaan.

Ang PS-DBM ay una nang kinuwestiyon sa mga kontrobersyal na overprice na pagbili ng mga kagamitan kabilang ang P8.2 bilyong medical supplies tulad ng mga face mask at face shield ng Department of Health (DOH) sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Umani rin ng pagbatikos ang PS-DBM sa maanomalyang pagbili ng mga outdated at overpriced laptops ng DepEd na nagkakahalaga ng P2.4 bilyon.

Sa kaniyang pagharap sa House Appropriations Committee sa P5.286 trilyong 2023 national budget, sinabi ni Pangandaman na ang PS-DBM ay may magandang rekord mula 2017 hanggang 2019 sa ilalim ng dating pamumuno ni Sec. Benjamin Diokno kung saan si Pangandaman ay dating Undersecretary dito.

“If you’ll be giving us a chance to at least clean PS-DBM, we will highly be happy with that,” sabi pa ng kalihim.

 

BUDGET AND MANAGEMENT SECRETARY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with