^

Bansa

CHR kinundena serye ng pagdukot, pagpatay sa mga babae sa buong bansa

James Relativo - Philstar.com
CHR kinundena serye ng pagdukot, pagpatay sa mga babae sa buong bansa
Satellite image ng Malolos, Bulacan
Google Maps

MANILA, Philippines — Kinastigo ng Commission on Human Rights (CHR) ang paparaming bilang ng mga dinudukot at pinapatay na babae't kabataan nitong mga nagdaang linggo — bagay na lumalabag sa karapatang mabuhay ng sinuman.

"It is most concerning that the [CHR] has in recent weeks monitored an increase in abductions and incidents of gender-based violence (GBV) perpetrated against women and children and the increasing number of killings across different localities in the country," wika ni CHR executive Jacqueline Ann de Guia sa isang pahayag, Huwebes.

"This is increasingly important as more children return to school with the resumption of face-to-face classes."
Ika-5 lang ng Hulyo nang matagpuang patay ang industrial engineer na si Princess Dianne Dayor mula sa Malolos, Bulacan matapos iulat na nawawala noong July 2.  

Ika-9 naman ng Agosto nang matagpuang patay si Josie Bonifacio, 40-anyos, ilang oras i-report na nawawala ng kanyang asawa.

Lumitaw naman ang bangkay ng nawawalang si Jovelyn Galleno nitong ika-23 ng Agosto matapos ireklamong nawawala noong ika-5 ng parehong buwan, na siyang nakikitang panibagong kaso ng "rape-slay."

Una nang nanawagan sina Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas at Sen. Imee Marcos na agad mag-imbestiga lalo na't responsibilidad ng gobyernong prote3ktahan ang kababaihan at mga bata sa ilalim ng Republic Act 9710 o magna Carta of Women.

"[E]qually concerning are the killings that led to the deaths of a couple on their way to a court hearing in Quezon, the shooting incident in Taguig, robbery slay of a in 16-year-old scholar in Barangay Bulacao, Cebu City and the still unclear manner of deaths of the Tiamzons in a military encounter," sabi pa ni De Guia."

For the continue protection of the community, we ask the public to report suspicious incidents to the police and for the public to provide any relevant information to the disappearance of Rodrigo Catibog who remains missing for almost two weeks after his abduction in Barangay Buhangan in Lian town."

Ikinatuwa naman ng CHR ang anunsyo ng Department of Justice na titignan nila ang mga nabanggit na pagpatay.

'Walang serial killer, crime group'

Miyerkules lang nang pabulaanan ni Philippine National Police spokeseprson PCol. Jean Fajardo na kaso ito ng isang "serial killer" o grupo ng mga kriminal na nandudukot papasok ng puting van.

"Kung titignan natin 'yung 'yung circumstances dito sa mga nangyaring sunud-sunod na pagkaka-discover ng cadaver pati na nga 'yung pagdukot at later on nakitang patay, wala po tayong nakikita na serial killer dito dahil iba-iba kasi 'yung involved dito at iba-iba ang motibo," ani Fajardo.

Pinasusumite naman ngayon ni Interior Secretary Benhur Abalos Jr. ng report ang mga pulis patungkol sa naturang mga pagpatay sa Metro Manila at kalapit na mga probinsya.

— may mga ulat mula kay The STAR/Alexis Romero

vuukle comment

ABDUCTIONS

COMMISSION ON HUMAN RIGHTS

GABRIELA

IMEE MARCOS

KILLINGS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with