^

Bansa

NSA Chief Carlos, bumisita sa West Philippine Sea

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
NSA Chief Carlos, bumisita sa West Philippine Sea
This handout satellite imagery taken on March 23, 2021 and received on March 25 from Maxar Technologies shows Chinese vessels anchored at the Whitsun Reef, around 320 kilometres (175 nautical miles) west of Bataraza in Palawan in the South China Sea. Chinese vessels gathered near a disputed reef in the South China Sea are "fishing boats" sheltering from poor weather, the foreign ministry said March 22, a day after the Philippines described their presence as an incursion.
AFP / Satellite image ©2021 Maxar Technologies, Handout

MANILA, Philippines — Bumisita sa Pag-asa Island na sakop ng Kalayaan Group of Islands sa West Philippine Sea kahapon si National Security Adviser (NSA) Clarita Carlos.

Batay sa Facebook post ng municipal government ng Kalayaan, ito ay upang personal umano niyang matunghayan ang pisikal at aktuwal na kalagayan ng naturang isla.

Kasama ni Carlos si Western Command (WESCOM) commander Vice Admiral Alberto Carlos at ilang kinatawan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police (PNP).

Mula sa Palawan, sumakay ng military aircraft si Secretary Carlos patungong Pag-asa Island sa West Philippine Sea (WPS) kung saan nakipagpulong siya sa mga opisyal ng local government unit (LGU) ng Kalayaan, militar, at mga lokal na residente.

Agad na nakipagpulong si Secretary Carlos sa mga opisyal at tauhan ng WesCom sa Antonio Bautista Air Base sa Puerto Princesa City.

Ayon naman kay Vice Admiral Carlos, ang pagbisita ni Carlos ay nagpapahiwatig ng pareho nilang hangarin na manindigan at ipakita ang walang humpay na dedikasyon upang protektahan ang mga mamamayan na nasa ilalim ng kanilang responsibilidad.

Ang Pag-asa Island ay matatagpuan sa layong 285 milya mula sa mainland Palawan at isa sa mga islang kabilang sa Kalayaan group na siyang pinag-aagawan ng ilang bansa tulad ng Malaysia, Brunei, Vietnam at China.

NSA

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with