^

Bansa

Lalaki isinugod sa ospital nang mahagip ng LRT-1 train sa Caloocan

Philstar.com
Lalaki isinugod sa ospital nang mahagip ng LRT-1 train sa Caloocan
Makikitang bumababa ang mga pasaherong ito sa isang istasyon ng LRT-1
Mula sa Facebook page ng LRMC

MANILA, Philippines — Pansamantalang naantala ang operasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) ngayong umaga matapos ang isang insidente na nagresulta sa pagkakasugod sa ospital ng isang lalaki.

Sa pahayag ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) — ang pribadong operator ng LRT-1 — 4:40 a.m. nang biglang lumundag sa riles ang isang lalaking pasahero habang papalapit ang tren sa Monumento Station (northbound).

Agad naman daw rumesponde ang operations and security teams ng kumpanya nang mangyari ito.

"Upon seeing that the male passenger was conscious, the LRMC team together with the Caloocan local government unit pulled out the passenger from the tracks and brought him to the nearby Caloocan Hospital for medical examination and treatment," ayon sa pahayag ng LRMC, Miyerkules.

"As part of regular protocols, LRT-1 operations were limited from Baclaran to Blumentritt (vice versa) only to give way to the necessary incident response."

Bandang 5:59 a.m. na nang maging operational ang lahat ng 19 istasyon ng LRT-1.

"As LRMC remains steadfast in providing a safe and reliable transportation, we appeal to the riding public to follow the rules and regulations implemented by LRT-1 premises," dagdag ng kumpanya.

"We reserve the right to deny entry to individuals who pose safety and security risk." — James Relativo 

Maaaring maabot ang National Center for Mental Health crisis hotline sa numerong 0917-899 8727 o 989-8727.

LIGHT RAIL MANILA CORPORATION

LRT-1

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with