^

Bansa

Marcos pinarerebyu ang disaster response

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Marcos pinarerebyu ang disaster response
President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. presided over his 4th Cabinet meeting at the Malacañang Palace on Friday (August 5, 2022).
Pool photos

MANILA, Philippines — Nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na rebyuhin ang mga standard operating procedures (SOPs) upang lumikha ng pare-pareho at magkakaugnay na diskarte sa panahon ng kalamidad.

Sinabi ni Marcos sa meeting ng Gabinete kahapon na dapat irebyu ang mga SOPs kapag may warning at kung ano ang mga dapat gagawin kapag mayroong alerto.

“I think we have to review our SOPs when there’s a warning. So what do we immediately do when the alert is given to us? How do we preposition the things that we will need?” ani Marcos sa meeting ng Gabinete.

Ginawa ni Marcos ang pahayag kasunod ng isang magnitude 7 na lindol na yumanig sa hilagang Luzon noong Hulyo 27.

Sinabi ng punong ehekutibo na dapat i-preposition ng gobyerno ang mga satellite phones, generators, tubig at iba pa, kapag nakataas ang alerto.

Tinalakay din ang paggamit ng airlift assets para sa disaster response.

Binanggit din ni Marcos ang kahalagahan ng mga inhinyero na makakatulong sa mga clearing operations at pagtatayo ng mga pansamantalang istruktura.

Sa kanyang pagbisita sa Abra noong Hulyo 28, binigyang-diin ng Pangulo ang pangangailangang makakuha ng mas maraming water purifying system na tutugon sa mga problema sa suplay ng tubig sa panahon ng kalamidad.

BONGBONG MARCOS

SOP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with