^

Bansa

Red-tagged news outfit inapela pagbasura sa TRO vs pag-block sa kanilang website

James Relativo - Philstar.com
Red-tagged news outfit inapela pagbasura sa TRO vs pag-block sa kanilang website
Activist groups marched from University of the Philippines Diliman to the Commision on Human Rights on June 4, 2020 to protest the passage of the "Anti-Terrorism Act."
Philstar.com / EC Toledo IV

MANILA, Philippines — Naghain ng motion for reconsideration ang isang media outfit sa Quezon City Regional Trial Court Branch 306, Biyernes, sa pag-asang maibaliktad ang naunang desisyon ng korteng i-deny ang hinihinging temporary restraining order laban sa pagpapatupad memo ng National Telecommunications Commission (NTC).

Hunyo nang hilingin ni noo'y National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. sa NTC na i-restrict ang access sa ilang progresibo't rebolusyonaryong websites sa dahilang iniuugnay sila sa mga rebeldeng komunista — ang problema, damay pati lehitimong media organizations gaya ng Bulatlat at Pinoy Weekly.

Ayon sa Bulatlat.com — na kaya pa ring ma-access sa ibang bansa, VPN at isang mirror site — 43% ng kanilang unique web visitors ang nawala matapos ipataw ng NTC ang kanilang memo. Kilala ito bilang "longest running online news" sa Pilipinas.

"The number of lost Bulatlat.com readers is rather critical and, with due respect, quite the opposite of this Honorable Court's observation that the same is ‘of no moment,' ‘irrelevant' and a mere ‘inconvenience,'" ayon sa mosyon.

"It demonstrates that Defendants' design to censor Bulatlat.com through the assailed Memorandum has succeeded to a significant extent."

 

 

Ika-13 ng Hulyo nang harangin ni Judge Dolly Jose Bolante-Prado ang prayer ng grupo para sa isang TRO, habang sinasabing, "walang klarong pagsikil sa constitutionally guaranteed right to free speech" na nangyari.

Matatandaang sinabi ng Bulatlat sa nauna nilang apelang nilalabag ng NTC order ang mga karapatan nilang protektado sa Saligang Batas, lalo na ang freedom of the press at free expression.

Ginagamit sa ngayon ang "terrorist" designation sa CPP, New People's Army at National Democratic Front of the Philippines at Anti-Terrorism Act of 2020 para ipagtanggol ang pag-block ng Bulatlat at Pinoy Weekly sa Pilipinas. Hindi designated bilang terorista ang dalawang news organizations. At maski na designated, ang epekto lamang nito ay pagfreeze ng assets nila at hindi pagblock ng websites.

Bagama't na-access pa rin ng NTC at ni Esperon ang Bulatlat habang nasa hearing nitong Hulyo, iginigiit ng Bulatlat ang sumusunod: "The fact remains that the blocking is still in place pursuant to the assailed Memorandum."

"The number of lost Bulatlat.com readers is rather critical and, with due respect, quite the opposite of this Honorable Court's observation that the same is ‘of no moment,' ‘irrelevant' and a mere ‘inconvenience,'" patuloy pa ng mosyon.

"It demonstrates that Defendants' design to censor Bulatlat.com through the assailed Memorandum has succeeded to a significant extent."

"... [i]t is directed at the content of the websites, which, according to Defendants NTC, NSC, and Esperon, were ‘found to be affiliated to and supporting terrorists and terrorist organizations."

Naninindigan ang Bulatlat na bigo ang NTC at si Esperon na maipakitang umakto sila sa pamamagitan ng isang ligal na court order para makontra ang posisyon ng media organization na nagkaroon ng materyal at substantial invasion ng kanilang mga karapatan.

Patunay lamang daw itong unconstitutional ang naturang order.

Tumatayong abogado ng Bulatlat ang progresibong National Union of People's Lawyers.

Matatandaang ipina-block ang Bulatlat at Pinoy Weekly ilang araw bago magtapos ang termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na siyang may kamay din sa hindi pagpapa-renew ng prangkisa ng broadcast giant na ABS-CBN.

Kamakailan lang din nang igiit ng Securities and Exchange Commission na desidido silang ipasara ang news organization na Rappler Inc., na siyang kilala rin sa kritikal na pagbabalita.

Nakikita ng ilang press freedom advocates gaya ng National Union of Journalists of the Philippines ang mga balakid na ito sa pagbabalita bilang bahagi ng "Duterte legacy" ng nagdaang administrasyon

BULATLAT

HERMOGENES ESPERON

NATIONAL TELECOMMUNICATIONS COMMISSION

PRESS FREEDOM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with