^

Bansa

Vaccination sites sa iskul, ikinakasa ng DOH

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Vaccination sites sa iskul, ikinakasa ng DOH
A number of people received their COVID-19 vaccine shot in Quezon City on Tuesday (July 12, 2022).
STAR/Michael Varcas

Paghahanda sa face-to-face classes

MANILA, Philippines — Isinusulong ngayon ni Department of Health (DOH) Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire ang paglalagay ng vaccination sites sa mga paaralan para mapataas ang bilang ng nababakunahan at bilang paghahanda sa napipintong “face-to-face classes” sa pasukan.

Bukod sa paaralan, nais din ni Vergeire, bilang pinuno rin ng National Vaccination Operations Center, na magtayo ng bakunahan sa mga pook-gawaan, lugar ng pagsamba, at maging sa mga pampublikong palengke.

Nilinaw niya na hindi naman gagamitin ang pagpapabakuna bilang requirements para makapasok sa paaralan, lalo na at batid niya na may mga magulang pa rin na ayaw pabakunahan ang kanilang mga anak.

Ang dapat gawin umano nila sa pamahalaan ay bigyan ng insentibo at hikayatin ang mga magulang at guardians at tiyakin na may ligtas na kapaligiran para sa mga bata kung saan sila magpapabakuna.

Samantala, sinabi ni Vergeire na tinanggap niya ang appointment sa kaniya bilang DOH OIC upang maipagpatuloy umano ang trabaho sa ahensya at magkaroon ito ng pinuno.

vuukle comment

COVID-19 VACCINATION

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with