Magsasakang Reporter, nanawagan ng ‘Green Revolution’
MANILA, Philippines — Nanawagan sa publiko ang Magsasakang Reporter na si Mer Layson na magsagawa ng “Green Revolution” o magtanim ang bawat isa ng sariling pagkain na isa sa mga proyekto noon ni dating First Lady Imelda Romualdez Marcos.
Sa ginaganap na Bagong Balita Media Forum sa Quezon City kahapon, isa sa mga guest at resource speaker si Layson kasama sina Department of Agriculture (DA) Undersecretary Ariel Cayanan at BFAR Director Eduardo Gongona. Ang batikang TV at Radio persona-lity na si Gani Oro ang moderator at host ng Forum na ginanap sa Max’s Restaurant sa Quezon Avenue, QC.
Dito ay ibinahagi ni Layson ang kanyang kaalaman at adbokasiya tungkol sa pagtatanim ng iba’t-ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan. Ayon kay Layson, ang pagkakaroon ng seguridad sa pagkain, dapat magsimula sa ating mga tahanan, “food security starts at home”.
Matagal ng isinusulong at adbokasiya ni Layson ang Urban Gardening na kahit sa mga bote ng softdrinks at mineral water ay maaaring magtanim ng sariling pagkain.
Ani Layson, dapat din buhayin ng kasalukuyang administration ang programang “Masagana 99” ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
- Latest




















