^

Bansa

Panganib ng cardiovascular disease, mas mataas sa lalaki kaysa babae

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine Heart Association (PHA) na mas mataas ang panganib na magkaroon ng cardiovascular disease (CVD) ang mga lalaki kaysa mga babae.

Ayon sa PHA, nasa 55.4% ang panganib na magkaroon ng atherosclerosis o pagtigas ng mga ugat ang mga lalaki kumpara sa mga babae.

Sa virtual forum kamakailan, sinabi ng mga opisyal ng PHA na dapat unahin ng mga lalaki ang kanilang kapakanan, maunawaan ang kahalagahan ng pagkakaisa o koneksyon ng puso, isip at katawan, pati na rin ihinto ang pagpapakita na sila ay “macho” at sa halip ay harapin ang kanilang mga kahinaan.

Kinikilala rin ng PHA na batay sa genetic, ang mga lalaki ay mas mahina kaysa sa mga babae sa mga panganib sa buhay na nagta-target sa kanilang mga utak at hormone. Sinabi nito na ang mga problema ng lalaki ay nagsisimula sa sinapupunan.

“Compared with men, women have substantially higher levels of good cholesterol called HDL which protects against heart disease. Obese women tend to accumulate excess pounds on their hips and thighs, while men store it in their waist so this abdominal obesity is more damaging to health, increasing the risk of heart attack and stroke among men,”ayon sa PHA.

Payo ng mga espesyalista sa nasabing forum, dapat mas bantayan ng mga lalaki ang kanilang di­yeta o kinakain, ehersisyo o paglalakad ng may 6,000 hakbang sa isang araw at umiwas sa mga bisyo tulad ng alak at sigarilyo o vape.

Ito’y dahil magkakaugnay ang mga ugat at arteries na kinabibilangan din ng kanilang ‘third leg’ o ‘male organ’. Ang erectile dysfunction (ED) ay maari umanong sanhi ng vascular kaya’t dapat na agad magpasuri sa doktor.

PHA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with