^

Bansa

'Suko pero hindi kulong': SUV driver na umararo sa sekyu wala pa ring warrant of arrest

James Relativo - Philstar.com
'Suko pero hindi kulong': SUV driver na umararo sa sekyu wala pa ring warrant of arrest
Jose Antonio San Vicente, the registered owner of the sport utility vehicle (SUV) that ran over a security guard in Mandaluyong City, surrendered to the Philippine National Police on Wednesday. San Vicente also surrendered the SUV involved in the hit-and-run incident.
The STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Hindi pa rin mailagay sa kostodiya ng Philippine National Police ang kontrobersyal na suspek na si Jose Antonio Sanvicente — na nag-viral sa hit-and-run sa isang gwardya sa Mandaluyong — kahit na humarap na sa mga otoridad nitong Miyerkules.

Ito ang inilahad ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, Huwebes, sa panayam ng media.

"Wala na pong legal ground ang PNP para ipasailaim sa aming kostodiya ang nasabing respondent po dahil nga po tumatakbo na ang legal process," ani Fajardo kanina.

"Simply put po, kaya po siya nakauwi kahapon, ay wala pong existing warrant of arrest para po sa kanya."

"At naisampa na po natin 'yung kaso [na frustrated murder], at ito pong kaso niya ay hindi na po papasok doon sa mga instances wherein we could effect a warrantless arrest."

Kahapon nang humarap kay PNP officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr. si Sanvicente sa Camp Crame habang humihingi ng tawad kay Christian Floralde, na hindi lang binangga ng isang beses ngunit ginulungan pa ng sinasakyang sports utility vehicle (SUV) noong ika-5 ng Hunyo.

Paliwanag ng kampo ng suspek, na aminado sa kanyang nagawa, natakot at nataranta lang siya nang mangyari ito kung kaya't humarurot palayo. 

Matatandaang inilagay ng Department of Justice si San Vicente sa immigration lookout bulletin order. Hindi dumalo ang salarin sa pagdinig ng Land Transportation Office patungkol sa administrative case laban sa owner ng naturang sports utility vehicle.

"Bukas po ay inaasahan po natin, base sa commitment ng kanyang lawyer, ay magpapakita po sila at lalahok po sa naka-schedule na prelimiary investigation," patuloy pa ni Fajardo.

"At inaasahan po natin na magpapakita po roon si Jose Antonio Sanvicente kasama 'yung kanyang abogado para mag-submit ng kanilang counter-affidavit base na rin po sa ating isinampang kaso."

Dagdag pa ng pulisiya, nasa poder na ng prosecutor's office kung ano ang magiging desisyon kay Sanvicente.

Kung mahanap ng "probable cause" ay magsasampa raw ng information sa korte ang prosecutor. Oras na mangyari ito, korte na raw ang magdedesisyon kung saan ira-raffle ang kaso kung maiisyuhan ng warrant of arrest.

'Kapag mahirap kulong, kapag mayaman lusot?'

Dismayado ang maraming netizens sa kung paano inaasikaso ng PNP ang kaso, lalo na't imbes na i-detain sa likod ng rehas gaya ng ibang suspek ay hinayaan pa si Sanvicente makapagpa-press conference nang mapayapa.

Ganyang-ganyan ang reaksyon ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III sa nangyayari sa ngayon.

"Kapag mahirap nagnakaw ng bayabas kulong agad! What’s happening to our country Mr President?" banggit niya sa isang tweet kaninang umaga.

"The Anti Drunk and Drugged Driving Law mandates a Drug test for those involved in accidents. Do not violate the law!"

Sa kabila nito, iginiit ni Fajardo na hindi na kailangang magpa-drug test nang sapilitan si Sanvicente dahil "hindi naman drug-related" ang kaso.

Wala rin daw special treatment na ipinakikita sa suspek habang nangyayari ang lahat ng ito. — may mga ulat mula sa News5

FRUSTRATED MURDER

MANDALUYONG

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with