‘Balik-Probinsya’ program, ituloy – Bong Go
MANILA, Philippines — Hinikayat ni Senador Bong ang bagong administrasyon na ipagpatuloy ang Balik-Probinsya, Bagong Pag-asa (BP2) program na nasimulan ng Duterte administration.
Ayon kay Go, ang BP2 program ang magbibigay ng pag-asa sa maraming Filipino para sa magandang kinabukasan pagkatapos ng COVID-19 pandemic.
Ang nasabing programa rin umano ang magpapabilis sa pag-unlad ng mga rehiyon.
Iginiit diin ni Go na sa pamamagitan ng inisyatiba, mas masusuportahan ng gobyerno ang pag-unlad sa kanayunan at lumikha ng mas malaking posibilidad sa ekonomiya para sa mga Pilipino sa lahat ng bahagi ng bansa tulad ng pinagtibay ng Commission on Population and Development (POPCOM).
Nauna rito, malugod na tinanggap ni Go, isa sa proponent ng BP2 program, ang suporta mula sa pribadong sektor habang ang iba’t ibang grupo ay nagpahayag ng layunin na lumahok at mag-ambag sa pagtulak ng pamahalaan para sa pinabilis na pag-unlad ng rehiyon.
Hinikayat din ng senador ang mas maraming negosyo na sumunod at mamuhunan sa mga lugar sa labas ng mga urban center sa bansa.
- Latest