^

Bansa

Eleksiyon 2022, mapayapa sa pangkalahatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naging mapayapa sa pangkalahatan ang pagdaraos ng 2022 national and local elections (NLE) sa bansa.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, ‘gene­rally peaceful’ ang kanilang assessment sa May poll situation, sa simula pa lang ng election period noong Enero 9 hanggang aktuwal na araw ng halalan kahapon, dahil kakaunti lang ang napaulat na ‘election-related incidents’.

“Siguro if I’m not mistaken more or less mga 16 incidents lang ano ‘yung election related incidents. If you will compare this with previous elections, mababang-mababa ito and hopefully ay matapos ‘yung eleksyon ngayong araw (Mayo 9), wala na sanang mga violence na magaganap,” sabi ni Año, sa isang panayam.

Kabilang sa mga insidente ng karahasan na kanilang natanggap ay ang naganap sa Buluan, Maguindanao, kung saan isang miyembro ng Barangay Peace Action Keeping Team (BPAT) ang patay habang sugatan ang kasamahan nito nang pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa kasagsagan ng araw ng halalan.

Samantala, sa Surigao del Norte, nahuli aniya ng lokal na pulisya ang may 12 armadong lalaki na pinaniniwalaang taga-suporta ng isang kandidato.

Nilinaw rin niya na hindi maaaring basta-basta papasok sa mga polling precinct ang mga unipormadong tauhan hangga’t hindi nagre-request ang Comelec para sa kanilang interbensyon.

Tiniyak ng DILG chief na magsasampa ang Philippine National Police (PNP) ng mga kasong kriminal sa Comelec at naghahain din ng mga kaso ng disqualification laban sa mga political bet na gumawa ng mga paglabag na may kaugnayan sa halalan.

Magpapatuloy pa rin aniya ang mga kasong isinampa laban sa mga rogue political bets sa May 2022 polls kahit pagkatapos ng national at local elections.

NLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with