^

Bansa

Isko, Ping, Pacquiao may joint press con ngayon

Ludy Bermudo, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Isko, Ping, Pacquiao may joint press con ngayon
This composite photo shows presidential bets Sen. Panfilo Lacson, Sen. Manny Pacquiao and Manila Mayor Isko Moreno.
Senate PRIB / Voltaire Domingo | Facebook / Manny Pacquiao | Facebook / Isko Moreno Domagoso

MANILA, Philippines — Apat hanggang limang na presidential candidates ang nakatakdang magsagawa nga­yong araw ng joint press conference, gayunman wala pang linaw kung ano ang kanilang agenda o pag-uusapan.

Sa media advisory na ipinadala sa mga miyembro ng media, sinasabing kabilang sa dadalo sa press conference si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa ganap na alas-11 ng tanghali sa Rigodon Ballroom ng Manila Peninsula Hotel.

Kinumpirma rin naman ni presidential candidate Sen. Panfilo Lacson na magiging bahagi siya sa joint press conference.

Maging si Senate President Vicente Sotto III ay nagkumpirma na magiging present sa naturang meeting.

“I’m not aware of the purpose (of the joint press conference). I was just invited by Sen Ping (Lacson),” pahayag ni Sotto sa Senate reporters.

Idinagdag pa nito na limang presidential candidate ang dadalo sa joint presscon at kasama sa inimbita ang kanilang running mates. Ito lamang umano ang kanyang nalalaman.

Samantala, umuugong din naman na dadalo sa joint presscon sina Senator Manny Pacquiao at Leody De Guzman.

Wala namang ibinigay na pahayag pa ang kampo ni Vice-president Leni Robredo patungkol sa isasagawang joint press con.

Si Robredo na nasa Bicol ay walang naka -schedule na public activities ngayong araw.

Dahil dito, may mga ilang naniniwala na baka ito na ang simula ng unification talk sa pagitan ng ilang presidentiables para sa sanib-puwersa.

Pero may ilan naman na nagsabing mukhang malabo itong mangyari dahil sa ang bawat isa ay walang plano na iatras ang kanilang kandidatura.

vuukle comment

PRESIDENTIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with